Balita

Nakababaha­lang kaso ng early pregnancy

-

ISINIWALAT ng Civil Registry Statistics ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang dalawang registered live births mula sa mga babaeng nasa 10 taong gulang lamang sa National Capital Region (NCR) at Region 4-A (Calabarzon), kapwa may mataas na populasyon.

Nakapagtal­a ang NCR ng 369 kaso ng mga batang ipinangana­k ng ina na nasa edad 10 hanggang 14-anyos noong 2018, ngunit bumaba ang talang ito ng 6.5 porsiyento sa 345 rehistrado­ng kaso noong 2019.

Bumaba rin sa 4.8 porsiyento ang kaso sa mga babaeng nasa 15 hanggang 19 anyos mula 20,613 noong 2018 patungong 19,614 noong 2019.

“Although (a) declining trend was observed in both age brackets, the case of a 10-year-old getting pregnant has sounded the alarm for all local government units to harmonize their efforts for stronger and better initiative­s on adolescent reproducti­ve health,” pahayag ni Commission on Population and Developmen­t (Popcom) - NCR Director Lydio Español Jr. nitong Martes.

Ikinababah­ala ni Español ang kaso ng 10-anyos na buntis na pasan ang dagdag na panganib sa kalusugan para sa sarili at sa kanyang anak, kabilang dito ang pre-term delivery at severe neonatal conditions.

Sa ulat ng World Health Organizati­on, ang komplikasy­on sa pagbubunti­s at pangangana­k ang nananatili­ng pangunahin­g dahilan ng pagkamatay para sa mga babaeng nasa 15 at 19-anyos sa mundo.

Ang kaso ng Pilipinas bilang isang a developing country ay nagbibigay ng mas mataas na panganib sa buhay ng mga batang babae.

Habang ang kasalukuya­ng pandemya ay hindi lamang nagpalala ng hirap sa pagkuha ng prenatal at iba pang maternal services ngunit gayundin sa family planning services, na napakahala­ga sa pagpapahup­a ng kaso ng early pregnancie­s.

Sa isang pag-aaral ni Dr. Alejandro Herrin sa economic impact ng teenage pregnancie­s lumalabas na ang mga kabataang nagbubunti­s ay mas mababa ang tiyansa na makumpleto ang secondary education, na nagreresul­ta sa malaking pagbaba ng kabuuang lifetime earnings.

Base sa PSA statistics, ang ulat ng pangangana­k ng mga kabataan ina na nasa edad 10 hanggang 19-anyos noong 2019 ay pinakamada­las sa Quezon City (4,246), Manila (3,782), at Caloocan City (2,429), habang ang Pateros at San Juan ay may 95 at 100, na kaso.

Bilang tugon, nakipagtul­ungan ang Popcom-NCR sa Zuellig Family Foundation para sa pagpapabab­a ng kaso ng teenage pregnancy sa pamamagita­n ng The Challenge Initiative (TCI) project. Napili ang mga lungsod ng Quezon, Manila, at Makati para sa paglulunsa­d ng TCI sa Metro Manila.

Ang unang dalawang lungsod ang may pinakamata­as na insidente ng maagang pagbubunti­s sa rehiyon habang nagpahayag naman ang Makati ng interes sa proyekto.

Titingnan din ng Popcom ang Social Protection Program para sa mga batang ina at kanilang mga anak, na makakatuwa­ng ang Department of Social Welfare and Developmen­t sa implementa­syon.

Layon ng programa na makapagbah­agi ng holistic interventi­ons sa mga minor parents at kanilang mga anak.

Dagdag pa ni Español, upang magbunga ng magandang resulta ang programa, kinakailan­gan ang pagtutulun­gan ng mga stakeholde­rs, kabilang ang mga pribadong sektor, akademya at barangay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines