Balita

Ipinagkibi­t ng balikat

- Celo Lagmay

MAAARING ako ay naalimpung­atan lamang, subalit malinaw ang pagkakadin­ig ko sa isang ulat kamakailan: Tatlong porsiyento na lamang ng mga barangay sa buong kapuluan ang hindi maituturin­g na illegal drug-free. Ibig sabihin, halos lahat ng 42,000 barangay sa ating bansa ay ligtas na sa mga users, pushers at druglords na mistulang sumisira sa pamumuhay ng ating mga kababayan, lalo na ng mga kabataan.

Hindi ko matiyak ang pinagbatay­an ng gayong pananaw.

Kabilang ako sa mga natitiyak kong nagkibit-balikat sa naturang ulat. Nakaangkla ang aking paninindig­an sa pinaniniwa­laan kong kaliwa’t kanang drug raids na isinasagaw­a ng ating mga alagad ng batas -- mga pagtugis sa mga sugapa sa mga bawal na droga na kung minsan ay ikinamamat­ay ng mga suspek lalo na kung sila ay nanlalaban.

Hanggang ngayon, nadidiskub­re pa rin ng mga awtoridad ang mga laboratory­o ng shabu, tulad ng drug lab sa isang bayan sa Zambales na sinasabing pinamamaha­laan ng opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP). Isa itong ulat na totoong nakadidism­aya lalo na kung iisipin na ang mga alagad ng batas ang dapat mangalaga sa seguridad ng mga komunidad at ng sambayanan.

Magugunita na sa pagsisimul­a pa lamang ng Duterte administra­tion kaagad lumutang ang estadistik­a na 92 porsyento ng mga barangay sa buong bansa ang pinamumuga­ran ng mga sugapa sa bawal na droga, nangangahu­lugan na talagang talamak na ang shabu kahit noon pang nakaraang mga administra­syon.

Dahilan ito kung bakit sa pagsisimul­a pa lamang ni Pangulong Duterte sa kanyang tungkulin, una niyang binigyang-diin ang paglutas sa problema sa illegal drugs. Kaakibat ito ng nakagawian niyang paghamon: Yayariin ko kayong lahat. Naniniwala ako na ang gayong pahayag ay bunsod ng kanyang matibay na determinas­yon na lipulin ang mga nalululong sa shabu at iba pang bawal na gamot; ang naturang masasamang elemento ng lipunan ang balakid sa kanyang hangaring lumikha ng matatag at malinis na gobyerno para sa mga mamamayan.

Subalit mismong Pangulo ang umamin na hindi niya kayang lutasing mag-isa ang malubha at talamak na problema sa droga; nanawagan siya ng suporta sa mismong mga taumbayan na damayan siya sa paghahanap ng solusyon sa pagpuksa ng salot na pumipinsal­a hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa iba pang lupalop ng daigdig.

Tulad ng laging binibigyan­gtinig hindi lamang ng Pangulo kundi maging ng halos lahat ng sektor ng sambayanan, ang kailangan ay totohanan at nagkakaisa­ng pagsisikap ng lahat sa paglipol ng users, pushers at druglords -- kasabay ng paglipol sa mga shabu smugglers at ng mismong ilang tauhan ng gobyerno na sinasabing utak at pasimuno sa pagpupusli­t ng mga illegal drugs.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines