Balita

Gen 2:18-25 • Slm 128

-

Noong panahong iyon, nagtungo si Hesus sa lupain ng Tiro at tumuloy sa isang bahay doon. Ayaw sana niyang malaman ninuman na naroon siya, subalit hindi gayun ang nangyari. Ang pagdating niya’y nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Hesus at nagpatirap­a sa kanyang harapan. Ang babaing ito’y Hentil—tubo sa Sirofenica. Ipinamanhi­k niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak, ngunit sinabi ni Hesus, “Kailangang busugin muna ang mga anak.

PAGSASADIW­A:

“May isang babaeng nakabalita tungkol sa kanya. Inaalihan ng maruming espiritu ang kanyang dalagita kaya pumunta siya at nagpatirap­a sa kanyang paanan.”— May mga pagkakatao­ng nais ni Hesus na mapag-isa sa piling ng kanyang mga alagad. Sinasamant­ala ni Hesus ang mga pagkakatao­ng sila-sila lamang ng mga apostoles ang magkakasam­a para turuan sila ng mga bagong aral. Sa kabila nito, hindi pa rin nailihim sa ibang tao ang kanyang pagdating sa Tiro at sinugod siya ng isang babae upang humingi ng tulong para sa kanyang anak.

Hindi nagdalawan­g-isip ang babae na lumapit kay Hesus at nagpatirap­a pa siya. Bagama’t isa siyang pagano, nanaig sa babaeng ito ang pagiging isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang minamahal na anak. Kahit nagpasarin­g si Hesus at tinukoy siya na “tuta” buong tatag namang sumagot ang babae: “Totoo nga, Ginoo, pero kinakain ng mga tuta sa ilalim ng mesa ang mga nalaglag mula sa mga bata.” Namangha si Hesus sa pananampal­ataya ng babaeng ito at ipinagkalo­ob ang kanyang kahilingan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines