Balita

Pork holiday, wala munang karne

- Bert de Guzman

NAGSAGAWA ng pork holiday o hindi nagbenta ng karnengbab­oy ang mga tindera at tindero noong Lunes, Pebrero 8. Nawala rin ang karneng-manok sa maraming palengke dahil tumangging magbenta sa unang araw ng 60-araw na price cap na ipinataw ng gobyerno.

Batay sa price cap limit, ang kasim o balikat ng pork ay P270 bawat kilo, ang belly o liempo ay P300 at ang isang kilo ng karneng-manok ay P160 sa Metro Manila markets. Sabi nga ng ex-GF ko, okey lang na hindi tayo kumain ng karne basta may gulay at isda na mabuti para sa mga senior. Ewan ko lang ngayon kung bumalik na ang mga vendor sa palengke para magtinda ng karne.

Naghahanda na ang Bureau of Customs (BOC) sa pagdating ng mga bakuna sa linggong ito. Para masiguro ang mabilis na pagri-release ng COVID-19 vaccines, sinabi ng BOC na magsasagaw­a ito ng customs clearance processes paglapag ng mga bakuna na lulan ng eroplano.

“Papayagan namin ang pagrirelea­se sa rampa,” ayon kay Customs assistant commission­er Vincent Philip Maronilla. “Gagawin namin ang lahat ng kailangang customs processes at release.” Ang mga bakuna ay agad ita-turn over sa Department of Health (DOH) matapos isaproseso. Ipinasiya ng Supreme Court (SC) na may karapatan o entitled si ex-SC Chief Justice Renato Corona na tumanggap ng retirement benefits. Siya ay namatay apat na taon ang nakararaan. Buong pagkakaisa­ng idineklara ng SC members na si Corona ay dapat tumanggap ng retirement benefits at iba pang allowances na tinatangga­p niya nang siya’y ma-impeach noong Mayo 2012.

Ang mga benepisyo at claim ay ibibigay sa biyuda ni Corona na si Ma. Cristina Roco Corona. Si Corona ay nagsilbi bilang ika-23 Chief Justice mula noong 2010 matapos ang walong taon bilang Associate Justice ng SC.

Dahil sa nalalapit na Mahal na Araw, maaaring payagan ng InterAgenc­y Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pakiusap ng Simbahang Katoliko na damihan ang bilang ng mga taong dadalo sa religious events, partikular sa loob ng simbahan.

Ang Ash Wednesday ay sa Pebrero 17 at ipinagdiri­wang ng mga Katoliko ang ika-500 taon ng Kristiyani­smo sa Pilipinas. Ipinahiwat­ig ni Justice Sec. Menardo Guevarra, miyembro ng IATF, noong Lunes na maaaring isama ng IATF sa kanilang pulong ang isyu hinggil sa pagpayag na damihan ang mga mananampal­ataya na makapasok sa simbahan at dumalo sa mga pangrehiyo­song okasyon sa buong bansa.

Ilang pinuno ng Catholic Church ang nakiusap sa gobyerno na palawakin ang kapasidad ng mga taong dadalo sa religious activities matapos iulat ng OCTA Research Group na hindi naman dumami ang kaso ng Covid-19 noong Kapaskuhan at Pista ng Itim na Nazareno. Magpupulon­g ngayong buwan ang Pilipinas at United States upang ayusin ang mga problema tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa gitna ng alalahanin o concerns sa bagong batas ng China na nagpapahin­tulot sa Coast Guard nito na paputukan ang mga dayuhang barko na magdaraan sa South China Sea at West Philippine Sea.

Sinuspinde ng Pilipinas noong Nobyembre sa ikalawang pagkakatao­n ang unilateral decision ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na wakasan ang VFA. Noon, ipinasiya ni PRRD na buwagin na ang VFA dahil galit siya sa mga Kano na hindi umano patas ang pakikitung­o sa PH.

Sa VFA, maaaring mag-operate ang US troops sa rotational basis sa bansa. Kung wala nito, ang iba pang bilateral defense agreement, tulad ng Mutual Defense Treaty (MDT) ay hindi maipapatup­ad. “I am narrowing down the issues and soon we will meet, and iron out whatever difference­s we have,” sabi ni DFA Sec. Teodoro Locsin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines