Rock star Bruce at President Obama, mapapakinggan sa bagong podcast show
NEW YORK (AFP) — Isang bagong show sa streaming giant Spotify ang pagtatampukan ng dalawang American cultural heavyweights: ang nasi rock star Bruce Springsteen at si former US president Barack Obama.
Available na online ang dalawang episodes ng eight-show audio series
na Renegades: Born in the USA.
Itinuturing na marketing coup para sa Spotify, na tumuon sa podcasting bilang paaran ng paglago mula noong 2019, na naglaan ng hundreds of millions of dollars para sa acquisitions.
“On the surface, Bruce and I don’t have a lot in common,” pahayag ni Obama sa promotional clip para sa series. “He’s a white guy from a small town in Jersey. I’m a Black guy of mixed race, born in Hawaii. He’s a rock’n’roll icon. I’m… not as cool.”
Unang nagkakilala ang dalawa sa 2008 presidential campaign ni Obama at mula noon ay naging malapit na magkaibigan. Kamakailan lamang ay ilang araw sa New Jersey ang dalawa para sa recording ng show, na inaasahan nilang maging “reflection on the state of America and ways to unify a nation rife with political and socioeconomic divisions.”
“What we discovered during this conversation was that we still share a fundamental belief in the American ideal, not as an act of nostalgia, but as a compass for the hard work that lies before us,” dagdag pa ni Obama.
“We found some answers, learned a few things, had some laughs, and a few drinks.”
Bago ang former president, una nang sumabak at naging matagumpay ang postcast show ng kanyang asawa na si Michelle, kung saan nagkasama pa ang dalawa sa iang episode.
Porduced ang bagong show ng Higher Ground Productions, ang company na itinatag ng Obamas noong 2018.