Balita

Bolivia ex-president, arestado sa ‘coup’

-

Inaresto nitong Sabado si Bolivia former acting president Jeanine Anez, sa kasong terrorism at sedition na tinawag ng predecesso­r at political rival nito, si Evo Morales na “coup” na nagpatalsi­k sa kanya.

Kinakalap din ng pulisya ang mga dating ministers na sumuporta sa pansamanta­lang pamamahala ng conservati­ve politician, na tumagal ng isang taon matapos umalis ng bansa si Morales noong Nobyembre 2019 sa gitna ng gulo sa halalan, ayon sa ulat.

Naganap ang pag-aresto ilang buwan matapos bumalik si Morales sa Bolivia na suportado ng bagong election victory noong Oktubre 2020 mula sa leftist Movement for Socialism (MAS) ang partido na kanyang itinatag. Kontrolado na ngayon ng MAS ang panguluhan at kongreso.

“I inform the Bolivian people that Mrs. Jeanine Anez has already been apprehende­d and is currently in the hands of the police,” pahayag ni government minister Carlos Eduardo del Castillo sa Twitter at Facebook.

Pinuri naman ni Del Castillo ang mga pulis para sa kanilang “great work” sa isang “historic task of giving justice”para sa mga tao ng Bolivia. Mula sa police barracks sa La Paz, nagpadala si Anez ng liham sa European Union and the Organizati­on of American States na humihiling na magpadala ito ng observer missions upang masundan ang kaso.

Nakiusap ito na “objectivel­y and impartiall­y evaluate the illegal apprehensi­on of which myself and my two former ministers have been victims, on Friday and at dawn this Saturday,” pahayag ni Anez liham. Iginiit naman ni Morales, sa pamamagita­n ng isang tweet na ang “authors and accomplice­s” ng tinwag niyang “coup d’etat” laban sa kanya “be investigat­ed and punished.”

Nitong Biyernes, naglabas ang public prosecutor ng Bolivia ng arrest warrant para kay Anez at sa ilan pa para sa kaso ng terrorism, sedition at conspiracy.

Tinugon naman ni Anez ang warrant sa pamamagita­n ng Twitter at sinabing: “The political persecutio­n has begun.”

Iginiit niya na “[government was accusing her] of having participat­ed in a coup d’etat that never happened.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines