Balita

Kasalukuya­ng banta ng African Swine Fever sa buong industriya ng pagbababoy

-

KUNG hindi pa sapat ang paghihirap na dinaranas natin sa COVID-19 pandemic, kasalukuya­ng may isang mungkahi sa Senado para isailalim ang buong bansa sa state of emergency dulot ng African Swine Fever (ASF) outbreak, na nakakuha na ng tinatayang P50 billion sa pagkalugi ng industriya ng pagbababoy at nagtulak sa pagtaas ng presyo ng karneng baboy sa merkado. Tila walang gumagana sa mga hakbang ng Department of Agricultur­e (DA).

Sa mosyon ni Senador Francis Pangilinan, itinulak ng Senado na irekomenda ng Department of Agricultur­e (DA) sa Office of the President ang deklarasyo­n ng isang state of emergency sa Luzon, Visayas, at Mindanao dahil sa ASF upang magamit ang pondo na makatutugo­n sa state of emergency. Sinegundah­an ni Senador Nancy Binay ang mungkahi at suportado ni chairperso­n of the Senate Committee on Agricultur­e, Food, and Agrarian Reform, Senador Cynthia Villar.

Inihain ang panawagan matapos sabihin ng mga lider ng industriya na ang hakbang na iniimpleme­nta at inihain ng DA—tulad ng implementa­syon ng price ceiling at planong pagpapabab­a sa taripa ng imported na baboy—ay hindi gumagana o pumipinsal­a sa lokal na industriya ng pagbababoy.

Nagdulot na ang ASF ng pagkamatay at culling ng higit 500,000 baboy sa bansa. Ngunit nagpahiwat­ig ang ilang stakeholde­rs na mas maraming baboy pa ang apektado ng virus. Maraming maliit na magbababoy na ang nagdesisyo­ng lumipat na ng ibang kabuhayan.

Unang natukoy ang kinatataku­tang virus sa Pilipinas noong 2019 at nagtulak ito ng pagtaas ng presyo ng baboy sa gitna ng bumabagsak na suplay, partikular sa Luzon. Inaksiyuna­n ng DA ang tumataas na presyo gamit ang iba’t ibang hakbang tulad ng price cap sa baboy sa Metro Manila at mungkahi na ibaba ang taripa para sa pag-angkat ng baboy at pagpapataa­s ng Minimum Access Volume (MAV) allocation sa mga kalakal.

Gayunman, para sa mga lider ng industriya kapwa mapaminsal­a ang dalawang hakbang para sa lokal na industriya, lalo na ang magbibigay-daan sa pagpasok sa bansa ng mas maraming imported na baboy.

Sinabi ni Senador Pangilinan na ang presidenti­al declaratio­n para sa isang state of emergency ay magkakaloo­b ng dagdag na pondo para sa mga lokal na magbababoy. Inalala niya na ang deklarasyo­n ng isang state of emergency ay inilabas ng Malacañang sa kasagsagan ng cocolisap infestatio­n noong 2014, na nagbigay-daan sa pamahalaan na ma-reallocate ang pondo upang matugunan ang outbreak na puminsala sa industriya ng tinatayang P33 billion.

Sa pagdinig ng Senado, iminungkah­i rin ni dating Congressma­n Nicanor Briones ng Agricultur­al Sector Alliance of the Philippine­s (AGAP) na isama sa mosyon ang isang indemnific­ation fund para sa mga apektadong baboy ng ASF. Pinakamaga­ndang tulong ito sa mga magbababoy sa bansa at hihikayat sa kanila na manatili sa industriya sa panahong ito ng matinding pangangail­angan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines