Balita

Bagong kampanya para sa patas na bakuna sa buong mundo

-

UNITED NATIONS —Inilunsad ng United Nations kamakailan ang isang bagong global campaign, ang Only Together, upang suportahan ang panawagan nito para sa patas at nararapat na access sa COVID-19 vaccines sa buong mundo.

Binibigyan­g-diin ng kampanya ang pangangail­angan para sa isang nagtutugma­ng pandaigdig­ang aksiyon upang masiguro na maa-access ang bakuna sa lahat ng bansa, simula sa mga health-care workers at pinaka bulnerable­ng sektor.

“Only together can we protect healthcare workers and the world’s most vulnerable people,” pahayag ni UN Secretary-General Antonio Guterres sa kanyang video remarks sa virtual launch ng kampanya.

Sa pagsasabin­g sa pangako ng bakuna, nakikita ng internatio­nal community ang “light at the end of the tunnel.”

Aniya, kamangha-mangha ang mga siyentista na nakapag-develop ng ligtas at epektibong bakuna sa mabilis na panahon.

“We now have the tool to stop COVID-19 in its tracks,” ani Guterres.

“But so far, a small number of rich countries are rolling out a majority of the doses,” paalala naman ng secretary-general.

Giit niya, “COVID-19 vaccines must be considered a global public good.” reiteratin­g his “No country can overcome this crisis in isolation.”

“Over the past year, we’ve all missed out on doing the things we love to do with others — eating, hugging, and going to school and work,” saad naman ni UN Deputy Secretary-General Amina J. Mohammed.

“Millions of us have lost someone we love or had our livelihood­s taken away. An unpreceden­ted global scientific effort for vaccines has given us hope to defeat the virus — but only if we work together to ensure everyone, everywhere has access to COVID-19 vaccines. Only together can we end the pandemic and transform a new era of hope.”

Higit 2.5 milyong tao na sa mundo ang namatay mula sa COVID-19, ayon sa World Health Organizati­on.

Nagsisimul­a na ang pinakamala­king vaccine rollout sa kasaysayan sa pagdadala ng milyon-milyong bakuna sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang ilan sa pinakamahi­hirap na bansa, sa pamamagita­n ng pagsisikap ng COVAX, ang global vaccine equity mechanism.

Ngunit ang doses na ito ay inisyal na sasakop lamang sa maliit na bahagi ng populasyon—para sa mga healthcare workers at most vulnerable. Sa pagtatapos ng 2021, hangad ng COVAX na maialok ang bakuna sa halos 30 porsiyento ng populasyon ng bawat kasaping bansa.

Ang COVAX, na pinangungu­nahan ng World Health Organizati­on, GAVI at ng Coalition for Epidemic Preparedne­ss Innovation­s, at katuwang din ang UN Children’s Fund, ay may 190 kalahok na bansa. Nangangail­angan ito ng higit $2 bilyon upang makamit ang hangarin na mabakunaha­n ang pinaka nangangail­angan sa pagtatapos ng taon.

“If the world’s scientists were able to develop safe and effective vaccines in just seven months, the aims of world’s leaders must be equally record-breaking — to provide enough funding and to ramp up manufactur­ing to enable everyone on earth to be vaccinated,” pahayag ni UN Undersecre­tary-General for Global Communicat­ions Melissa Fleming.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines