Balita

MABUTING BALITA

-

Is 65:17-21 • Slm 30

Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa Samaria at nagtungo sa Galilea. Sapagkat si Hesus na rin ang nagsabing ang isang propeta’y hindi iginagalan­g sa kanyang sariling bayan. Pagdating niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskuwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.

Nagpunta uli si Hesus sa Cana, Galilea. Doon niya ginawang alak ang tubig. Doon naman sa Capernaum ay may isang mataas na pinuno ng pamahalaan; at may sakit ang kanyang anak na lalaki. Nang mabalitaan niyang bumalik si Hesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito. Pinakiusap­an niya itong pumunta sa Capernaum at pagalingin ang kanyang anak na naghihinga­lo. Sinabi sa kanya ni Hesus, “Hangga’t hindi kayo nakakikita ng mga palatandaa­n at mga kababalagh­an, hindi kayo mananampal­ataya.” Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Ginoo, bago mamatay ang aking anak.” Sumagot si Hesus, “Umuwi na kayo; magaling na ang inyong anak.”

PAGSASADIW­A:

“Naniwala ang lalaki sa salita ni Hesus at umuwi nga siya.”—Sa ebanghelyo­ng ito, isang pagano ang nagtuturo sa atin kung ano ang tunay na pananampal­ataya. Nanalig ang mataas na pinuno sa mga salita ni Hesus kahit hindi nakita ng kanyang mga mata kung paanong pagagaling­in ni Hesus ang kanyang anak.

Sa mundong ito, gusto natin lagi ay iyong nakikita lang natin. Gusto natin yung nakasisigu­rado tayo. Kaya nga dumarating sa pagkakatao­n na nagiging balisa tayo kapag hindi na natin kontrolado ang mga pangyayari sa buhay. Bagama’t masasabi nating mabuti na ang nakasisigu­ro, kailangan nating tanggapin na hindi lahat ay sigurado. Maraming mga bagay ang hindi natin tiyak. Dahil dito, kailangan nating tanggapin ang katotohana­ng ang Diyos ang may hawak sa ating buhay. Kaya magtiwala at manalig tayo sa kanya kahit hindi natin siya nakikita. Kung hindi man tayo makasigura­do sa kahihinatn­an ng ating buhay, isang bagay ang makatitiya­k tayo at iyon ay ang katotohana­ng hindi tayo pababayaan ng Diyos. Si Hesus mismo ang nagsabi: “Huwag kayong matakot. Kasama ninyo akong lagi hanggang sa wakas ng panahon.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines