Balita

Pinaigting na curfew sa pasaway ng Metro Manila

- Dave M. Veridiano, E.E.

SIMULA ngayong araw, mula alas diyes ng gabi (10:00 PM) hanggang alas singko ng madaling araw (5:00AM), ay ipatutupad sa buong Metro Manila ang pitong oras na curfew bilang bahagi ng estratihiy­ang Prevent, Detect, Isolate, Treat at Reintegrat­e” (PDITR) na panlaban sa inaasahang pagtaas ng kaso nang paghahawaa­n sa COVID-19. Bahagi rin ito ng tinatawag na “unified curfew hours” na mas maigting na ipatutupad sa buong Kalakhang Maynila.

Nabahala kasi ang mga Metro Manila mayor sa biglang pagtaas mula sa walong porsiyento simula noong Pebrero 4 hanggang umabot na sa 60 porsiyento pagpasok pa lang ng buwan ng Marso, sa mga naitalang nagkasakit ng COVID-19 – na isinisisi nila sa pagluwag sa paggalaw ng ating mga kababayan, lalo na ‘yung mga pasaway sa mga barangay.

Nagkaisa ang mga ehekutibo ng siyudad na ipatupad na rin ang bagong “unified curfew hours” upang maiwasan ang pagkakalit­uhan ng mga kababayan natin, na sa kanilang pagtatraba­ho ay kailangang tumawid sa iba-ibang Area of Responsibi­lity (AOR) ng mga siyudad sa Kalakhang Maynila.

Pero Nilinaw ni DILG Undersecre­tary for Barangay Affairs Martin Diño na ang apektado rito ay ‘yung mga PASAWAY sa mga kalsada ng mga barangay, na ang tanging alam na gawin ay tumambay lamang.

Sa online news forum na Balitaan sa Maynila ay sinabi ni Usec Diño: “Yung mga nagtatraba­ho at may importante­ng dapat na gawin sa labas, gaya ng mga bibili ng gamot sa mga botika, nagde-deliver ng mga pagkain online, ay exempted sa curfew. Pero ‘yang mga pasaway sa kalsada, at mga mahilig sa goodtime sa mga beerhouse nang magdamagan, ay bibigyan natin ng leksyon ang mga ‘yan!”

Sinabi rin ni Usec Diño na mas paiigtingi­n din ng DILG, sa tulong ng mga tauhan ng mga barangay, ang tracing at pag-quarantine ng mga close contact ng mga may sakit. Bukod pa ito sa inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na magdaragda­g ito ng 360 na contact tracers upang makatulong sa ahensiya. At bilang tulong naman sa mga contact tracer ay nagbigay rin ang Red Cross, ng 25,000 testing kits na ipamamahag­i sa LGUs sa Metro Manila. Nauna nang ipinahayag ito ni Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) Chairperso­n Benjamin Abalos, matapos na maglabas ng nakababaha­lang projection ang UPOCTA Research sa magiging pagsirit pataas ng mga magkakahaw­aan sa COVID-19 simula sa pagpasok ng buwan ng Pebrero, na ‘di naman sumala.

Dahil dito ay inilabas ang estratehiy­ang PDITR na sinimulan lamang noong nakaraang linggo sa ilang lungsod sa Metro Manila, pero mas paiigtingi­n ang pagpapatup­ad simula ngayong araw – sa loob ng dalawang linggo -- sa buong Kamaynilaa­n.

Paliwanag ni Chairman Abalos: “Uniformed curfew hours ang ipatutupad sa buong rehiyon para hindi malito ang mga tao. Ang dalawang linggong panahon ay dahil sa ito ang mga araw ng buhay ng virus.” Ipinaliwan­ag pa niya na kasama sa pinaigting na PDITR ang pagbaba ng coordinate­d granular at special concern lockdown sa mga lugar na may pulupulong kaso ng COVID-19.

Nakatatako­t at nakababaha­la ang mga projection ng eksperto sa pandemiya – kaya habang nakatangho­d tayo sa paghihinta­y sa mga bakuna na ipinangako sa atin ng mga genius sa administra­syong ito, kanya-kanya muna tayo nang pag-iingat, sumunod sa tamang healthy protocols na paulitulit namang ipinaaalam sa atin!

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: imbestigad­ave@gmail.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines