Balita

7,000 health workers dumanas ng sides effects ng bakuna

- Mary Ann Santiago

Kinumpirma ng Food and Drug Administra­tion (FDA) na mahigit sa 7,000 healthcare workers na ang naturukan ng bakuna laban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) ang nakaranas ng adverse reaction o side effects.

Paglilinaw naman ni FDA Director General Dr. Eric Domingo, karamihan sa mga naranasan ng mga naturukan ng bakuna ay pangkarani­wan at inaasahan nang magiging epekto ng bakuna, at hindi naman seryoso o life threatenin­g.

Batay sa datos ng FDA, hanggang nitong Miyerkules ng gabi (Marso 17), ay umabot na sa kabuuang 7,469 ang iniulat na adverse reaction, mula sa kabuuang 240,297 na healthcare workers na naturukan ng COVID19 vaccine.

Sa naturang bilang, 3,700 ang adverse reaction mula sa CoronaVac ng Sinovac habang 3,769 naman ang mula sa AstraZenec­a. Nasa 7,331 naman umano sa mga ito ang itinuturin­g na non-serious events, 137 ang serious events pero hindi naman nagresulta sa pagkasawi, habang isa ang sinawimpal­ad na bawian ng buhay. Aniya, halos pareho lang ang naitala nilang mga adverse effects o epekto ng AstraZenec­a at CoronaVac, kabilang ang general symptoms na pananakit ng katawan, chills o pangingiki, chest discomfort o paninikip ng dibdib, at fatigue o pagkapagal. Mayroon din naman umanong nakaranas ng pagkahilo o sumakit ang ulo at tumaas ang blood pressure.

Bawal ibenta

Binalaan kahapon ng Department of Health (DOH), Food and Drugs Administra­tion (FDA) at National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang publiko laban sa hindi awtorisado­ng pagbebenta ng mga bakuna laban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19). Ito’y matapos na makatangga­p sila ng ulat hinggil sa ilang organisasy­on o indibidwal na umano’y nagbebenta o nag-aalok ng COVID-19 vaccines sa mga mamamayan. Ayon sa kanila, hindi pa maaaring ipagbili o makabili ng mga bakuna laban sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) dahil ang inisyung emergency use authorizat­ion (EUA) sa mga ito ay hindi naman marketing authorizat­ion at hindi rin Certificat­e of Product Registrati­on (CPR).

“The DOH, FDA, and NTF reiterate that the EUA granted to any COVID-19 vaccine is neither a marketing authorizat­ion nor a Certificat­e of Product Registrati­on, meaning that these cannot be sold/purchased to the public,” anila.

Nagpaalala rin ang mga naturang ahensiyana­angpag-manufactur­e,pag-import, pag-export, pagbebenta, pag-aalok para ibenta, at pamamahagi ng mga unregister­ed health products, ay ipinagbaba­wal ng pamahalaan at may katapat na parusa sa ilalim ng Food and Drug Administra­tion Act of 2009.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines