Balita

Biden tinawag na ‘killer’ si Putin; Russia pinauwi ang envoy

-

MOSCOW (AFP) — Pinauwi ng Russia ang embahador nito sa US para sa mga konsulta nitong Miyerkules matapos na inilarawan ni US President Joe Biden si Vladimir Putin bilang isang “killer” na magbabayad para sa pakikialam sa halalan.

Sa isang pakikipana­yam sa ABC News, tinanong si Biden tungkol sa isang US intelligen­ce report na sinubukan ng pinuno ng Russia na sirain ang kanyang kandidatur­a noong halalan ng Nobyembre 2020 at itaguyod ang kay Donald Trump.

“He will pay a price,” sabi ng 78 anyos na Biden.

Tinanong kung naisip niya si Putin, na naakusahan na nag-utos ng pagkalason ng lider ng oposisyon na si Alexei Navalny at iba pang karibal, ay isang “killer,” sinabi ni Biden: “I do.”

Ang mga komento ay naipalabas habang inihayag ng US Commerce Department na ito ay maghihigpi­t sa export restrictio­ns na ipinataw sa Russia bilang parusa sa pagkalason ni Navalny.

Tumugon ang Russia sa pamamagita­n ng pagpapauwi sa kanyang messenger, kahit na ang State Department ay hindi gumanti sa pamamagita­n ng pagpapabal­ik sa kanilang sariling embahador sa Moscow.

“The Russian ambassador in Washington, Anatoly Antonov, has been invited to come to Moscow for consultati­ons conducted with the aim of analyzing what should be done and where to go in the context of ties with the United States,” sinabi ng Russian foreign ministry.

Sinabi ni Russian Deputy Foreign Minister Sergei Ryabkov sa RIA Novosti na “responsibi­lity for further deteriorat­ion of Russian-American ties fully rests with the United States.”

Sa Washington, nabanggit ng State Department ang hakbang ng Russia at sinabi na ang United States ay mananatili­ng “cleareyed about the challenges that Russia poses.” Sinabi ng State Department spokeswoma­n sa AFP na ang US envoy ay mananatili sa Moscow sa pag-asang mapanatili ang “open channels of communicat­ion” at upang mabawasan ang “risk of miscalcula­tion between our countries.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines