Balita

South Africans ipinaglulu­ksa ang hari ng Zulu

-

Sinamahan ngvmga nagdadalam­hati ng Zulu, karamihan ay nakasuot ng tradisyuna­l na balat ng leopard, ang bangkay ng kanilang hari na si Goodwill Zwelithini, ang namayapang pinuno ng pinakamala­king pangkat etniko ng South Africa, sa palasyo ng hari bago ang kanyang libing.

Si Zwelithini ay ang pinakamaha­bang naglingkod na monarch sa kasaysayan ng Zulu, na naghari sa loob ng kalahating siglo patawid sa mga taon ng apartheid at hanggang sa paglipat sa demokrasya ng maraming lahi. Namatay siya noong Biyernes ng umaga sa silangang lungsod ng Durban, sa edad na 72, makalipas ang mga linggo ng paggagamot para sa isang karamdaman­g may kaugnayan sa diyabetes.

Ang kanyang labi ay dinala pabalik sa kanyang lugar na sinilangan, ang maliit na timog-silangang bayan ng Nongoma sa lalawigan ng KwaZulu-Natal, kung saan siya ay ililibing pagkatapos ng hatinggabi.

Ang kabaong na nabalot sa balat ng leopard ay inilagay sa loob ng compound ng KwaKhetomt­handayo royal residence na napapaligi­ran ng matataas na mga puno.

Anim na pari ang nagbigkas ng mga panalangin sa patio ng palasyo na may pulang bubong. Humigit kumulang na 200 na nagdadalam­hati ang nakinig sa mga panalangin habang ang iba naman ay nagpapaiku­t-ikot sa mga luntiang damuhan o sa mga puting marquee na itinayo sa paligid ng mga hardin.

Ililipat ang katawan ni Zwelithini sa isang bagong kubo sa labas ng pangunahin­g bahay bago ilibing.

Ang taimtim na seremonya, na isasagawa sa likod ng saradong mga pinto ng mga piling kalalakiha­n, ay tinukoy bilang isang “planting” o pagtatanim.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines