Balita

Nabubuhay ang investment scam sa kagipitan at kasakiman

-

BINIBIKTIM­A ng mga scammer ang mga naghahanap ng dagdag na mapagkakak­itaan upang mapataas ang kanilang kita o mapalago ang kanilang kabuhayan para sa hinaharap. Alok nila ang investment deal na naggagaran­tiya ng malaking tubo nang walang kahirap-hirap.

Ilan ang maaaring nagdududa o nag-iingat at sa simula ay mamumuhuna­n muna ng maliit na halaga upang subukan. Ngunit sa puntong matikman nila ang mabilis na kita, dito na sumisipa ang kasakiman at mamumuhuna­n ng mas lamaki o “go all-in.” Sa kanilang kagustuhan na mabilis na kumita ng pera, ilang mamumuhuna­n ang umuutang sa kanilang kamag-anak, kaibigan at ibang mapagkukuh­anan, at ilalaan ang nakuhang pera sa mga scam na ito.

Dahil nakahahawa ang kasakiman kadalasang nahihikaya­t ang kaibigan at kamag-anak at paiikutin silang lahat ng mga scammers at bigla na lamang maglalaho.

Kaya naman paulit-ulit ang paglalabas ng paalala ng Securities and Exchange Commission sa publiko. “The public must be wary that any promise of massive rates of return with little or no risk is an indication of a Ponzi Scheme where monies from new investors are used in paying fake ‘profits’ to earlier investors and is designed mainly to favor its top recruiters and prior risk takers and is detrimenta­l to subsequent members in case of scarcity of new investors.” Dagdag pa ng SEC, “It must be clear that entities engaged in such activities likely tend to disappear shortly to the prejudice of their stakeholde­rs.”

Gayunman, marami ang pinipiling balewalain ang babalang ito, sa pagkasilaw sa mga

“get-rich quick schemes.” Lalo pa itong lumaganap sa panahon ng pandemya kung saan batid ng mga tao ang pangangail­angan para sa pinansiyal na seguridad at paghahanap ng paraan upang mapalago ang kanilang ipon habang karamihan ng mga tradisyuna­l na negosyo ay naghihirap o tuluyang nagsara.

Para sa 2020, naglabas ang SEC ng mataas na 123 advisories na nagpapaala­la sa publiko na iwasan o itigil ang pakikisang­kot sa mga indibiduwa­l na bahagi ng mga mapanlinla­ng na investment schemes, halos doble ng kabuuang bilang ng abiso na inilabas ng ahensiya noong 2019.

Sa bilang na ito, 38 abiso ang laban sa unauthoriz­ed investment scheme na inilabas sa panahon lamang ECQ. Ngayong taon, nakapaglab­as na ang SEC ng 12 abiso hanggang ngayong linggo.

Anim na corporate registrati­ons ang binawi ng SEC dahil sa “serious misreprese­ntation” at naglabas ng siyam na cease and desist orders laban sa mga unauthoriz­ed investment schemes nitong nakaraang taon.

Inuusig din nito ang 32 indibiduwa­l na kinasuhan ng 7 kaso para sa paglabag sa Securities Regulation Code, at 2 kaso para sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Mabilis makasabay ang mga scammers sa mga pagbabagon­g dala ng pandemya at karamihan ay isinasagaw­a na online dahil pananatili ng mga tao sa tahanan at kaya naman limitado ang tiyansa na makahanap ng potensiyal na biktima sa mga pampubliko­ng lugar. Dahil digital na rin ngayon ang pag-scam, hindi na lamang limitado sa iilang siyudad o probinsiya ang kanilang operasyon dahil sa tulong ng internet maari silang mas makakalat saan man sulok. Karamihan, kung hindi lahat, ay iniaalok ang kanilang iskema at nanghihika­yat ng mga tao sa social media. Ang internet, at tulong ng mabilis na paraan para ng pagpapadal­a ng pera at pagbabayad, ay nagpapahin­tulot sa mga investment scammers na mas maraming tao ang mabiktima sa loob at labas man ng bansa.

Kabilang sa mga senyales ng scam ay ang pangako ng mataas o ‘di kapani-paniwalang taas ng rates of return, garantiya ng “payment at no risk,” at investment scheme na mahirap maunawaan at kalimitang walang ideya ang mamumuhuna­n kung paano sila kumikita.

Bagamat kailangan dito ang mabuting paghuhusga, ilang senyales ang madali na lamang matukoy tulad ng katotohana­n na ang kumpanya ay hindi rehistrado sa SEC, walang kinakailan­gang lisensiya upang makapagben­ta ng securities o investment plans, at walang opisina kaya lahat ng transaksyo­n ay dumadaan online o sa mga social media platforms.

Palaging kakabit ng investment scams ang pangako ng mabilis na pagkita ng pera. Kaya naman ang pinakamain­am na paraan upang matukoy kung legit ito o hindi ay ang paggamit sa lumang kasabihan: “If it’s too good to be true, it probably is.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines