Balita

Rhian, hindi goal ang mainlove muli

- Ni DANTE A. LAGANA

PARANG kailan lang nang maghiwalay ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok. Inabot din isang taon at kalahati ang tinakbo ng relasyon ng dalawa. Naistress si Rhian noon na naging sanhi ng kanyang pagpayat.

Sa guesting ni Rhian sa

The Boobay and Tekla Show (TBATS) ng GMA-7 kita na ang panunumbal­ik ng kanyang katawan at hindi na kagaya noong breakup na talaga namang nangayayat ang aktres. Ayon kay Rhian ilang months na siyang walang dyowa pero parang hindi naman daw niya ramdam ang pagiging loveless.

Hirit ng TBATS naka-move on na nga ba si Rhian sa failed relationsh­ip?

“First of all lahat naman ng break-up talaga namang mahirap. At saka dapat kung mahirapan ka sa isang breakup dapat ika-proud mo iyon kasi ibig sabihin binigay mo talaga, nagmahal ka ng totoo. So that means move on na,” mabilis na sagot ni Rhian.

Sa nangyaring breakup may nakuha naman daw lesson si Rhian. Sey niya, “Well, I think lahat ng life stage naman may matututuna­n ka doon. Pero it’s usually not parang may natutunan ka about someone else, mas marami kang natututuna­n sa sarili mo kung ano yung parang mas nagiging klaro kung ano ang gusto mo sa buhay. How you like to be treated yung mga ayaw mo, ganun.”

Pagbabahag­i pa ni Rhian hindi raw niya goal o dream ang mainlove muli. Pero kung may darating daw at feeling niya galing kay Lord. Ok lang daw at kanya itong tatanggapi­n.

By the way, wagi ang “The Boobay and Tekla Show” ng Most Outstandin­g Variety Show at sila Boobay at Super Tekla ay nanalo rin ng Most Outstandin­g Stand Up Comedian sa Best Choice Awards 2020-2021 na virtual ginanap last Saturday, March 20. Congrats!

 ??  ??
 ??  ?? Rhian
Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines