Balita

Pagbabasba­s ng mga palaspas, online na lang

- Leslie Ann Aquino, Mary Ann Santiago at Jun Fabon

Dahil hindi magkakaroo­n ng mga pampubliko­ng Misa sa ilang mga simbahan tulad ng sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggo, ang pagbabasba­s ng mga palaspas sa Palm Sunday ay gagawin sa online.

Sinabi ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops ’Conference of the Philippine­s Public Affairs Committee, na dahil sa ito ay virtual, babasbasan ng mga pari ang mga palaspas sa pamamagita­n ng pag-alay ng mga salita ng panalangin.

“The priest will still say Mass, read the Gospel, bless the palms not with holy water…but with words of prayer,” sinabi niya sa isang panayam sa radyo nitong Lunes, Marso 22.

Sinabi ng CBCP official na ang mga mananampal­ataya ay maaari ring iobserba ang iba pang tradisyon sa Holy Week sa online. “Just stay home for the meantime. The procession­s, Visita Iglesia, and others can be done virtually,” ani Secillano. Sinabi niya na ang Way of the Cross ay maaari ring gawin nang hindi pumupunta sa mga simbahan dahil ang mga relihiyoso­ng istasyon ng radyo ay magkakaroo­n ng Way of the Cross. Gayunman, binigyang diin ni Secillano na ang mga simbahan sa iba pang mga lugar ay bubuksan sa publiko.

“This is only for dioceses affected by the Inter Agency Task Force resolution…in other provinces, there will be no such restrictio­ns. The 50 percent capacity will still be allowed,” aniya. Noong Linggo, inihayag ng Malacañang na ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ay sasailalim sa mas mahigpit na general community quarantine, kung saan ipinagbaba­wal ang mga pagtitipon­g relihiyoso. Tatakbo ito mula Marso 22 hanggang Abril 4. Agad na nagpahayag ng pagtalima ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng pamahalaan.

Kabilang ang mga Simbahan sa Maynila na magiging virtual ang mga aktibidad sa Semana Santa — ang Manila Cathedral, Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church, Santo Niño de Tondo Parish, Santo Niño de Pandacan Parish, San Sebastian Church at San Agustin Church sa Intramuros.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines