Balita

Proteksiyo­n ng PH territory, idiniin ng AFP Chief

- Fer Taboy

Suportado ni Armed Forces of the Philippine­s (AFP) chief of staff Lt Gen. Cirilito Sobejana ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat ng itigil ng China ang ginawang pagsalakay sa teritoryo ng Pilipinas lalo na at bahagi ito ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng bansa.

Tiniyak ni Sobejana na gagawin ng militar ang lahat para maprotekta­han ang teritoryo ng Pilipinas. ”We support that statement of the Secretary of National Defense at we will continousl­y secure our territoria­l waters yung exclusive economic zone natin purposely to keep the integrity of our territory and of course secure our fishermen earning for their living in that maritime domain,” sabi ni Sobejana.

Ipinauubay­a na nila sa Department of National Defense (DND) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing isyu.

Tiniyak ni Sobejana na kung anuman ang ipag-utos sa kanila ng gobyerno ay susunod ang militar. Giit pa ni Sobejana na kanilang binibigyan­g pansin ang concern ng National Task Force West Philippine Sea hinggil sa presensiya ng mga Chinese vessels Julian Felipe Reef. Binigyang-diin din ni Sobejana na kanilang isusulong ang peaceful, principled, and rules-based approach para resolbahin ang isyu sa West Philippine Sea. Binigyan na rin nito ng direktiba si Western Command (WESCOM) Commander Vice Admiral Ramil Enriquez na kaniyang i-validate ang bilang ng mga Chinese vessels sa area. Nasa 220 Chinese vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef noong Marso 7. Ayon kay Sobejana, kaniyang inaasahan na mamayang hapon makapagbig­ay na ng update ang Wescom ukol dito para mabatid kung ilang barko ng China ang sumalakay sa teritoryo ng bansa. ”Sa part naman ng Armed Forces, tuloytuloy yung ating pagganap ng ating tungkulin bilang tagpangala­ga sa integridad ng ating bansa kaya lately if you remember I issued a directive in increasing the number of naval assets in West Philippine Sea,” pahayag ni AFP Chief Sobejana. Nitong Linggo, nanawagan si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China na itigil ang incursion sa teritoryo ng bansa at agad paalisin ang 220 Chinese vessels na naka angkla ngayon sa Julian Felipe Reef dahil sa paglabag nito sa maritime rights ng Pilipinas. Ayon sa kalihim, ang ginawa ng China ay malinaw na isang provocativ­e action para i-militarize ang nasabing lugar na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) at Continenta­l Shelf (CS) ng Pilipinas kung saan ang mga Pilipino ang may karapatan sa mga resources sa ilalim ng internatio­nal law at 2016 arbitral ruling. ”We call on the Chinese to stop this incursion and immediatel­y recall these boats violating our maritime rights and encroachin­g into our sovereign territory. We are committed to uphold our sovereign rights over the WPS,” pahayag ni Lorenzana.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines