Balita

Higit sa quarantine: Pagpapalak­as ng pagbangon ng ekonomiya

-

KUNG kailan umaasa ang marami nating kababayan na sa wakas ay makalabas sila para sa out-oftown ngayong nalalapit na Holy Week, inanunsiyo naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapatup­ad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal mula Marso 22 hanggang Abril 4.

Kasabay ng anunsiyo para sa bagong restriksyo­n nitong Linggo, Marso 21, naitala ng bansa ang 7,757 bagong kaso ng COVID-19, ang ikatlong sunod na araw na naitala ang higit 7,000 kaso. Sa pagtataya ng OCTA Research Group maaaring umabot ang arawang bilang ng kaso sa 10,000 sa pagtatapos ng Marso, kung saan may 5,000 kaso ang Metro Manila.

Binigyang-diin ng Malacañang na ang dalawang linggong GCQ “bubble” ay hindi isang “hard lockdown” dahil hindi naman bumaba ang lebel ng aktibidad sa ekonomiya at mananatili sa kasalukuya­ng kapasidad ang mga pampubliko­ng transporta­syon. Sinasakop ng restriksyo­n ang mga aktibidad kung saan posible na magtanggal ng face mask ang tao, o makisalamu­ha sa iba, na maaaring magdulot ng pagkalat ng virus.

Ang sitwasyong ito ay kaiba sa ipinatupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa kaparehong mga lugar noong Agosto 2020 nang manawagan ang mga health care workers ng “timeout” upang makontrol ang outbreak na halos umapaw sa kapasidad ng health care system.

Apat na probinsiya­ng kasama ng Metro Manila ang dating nakasailal­im sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine (MGCQ) ngunit isinama sa National Capital Region para sa GCQ area o bubble. Ayon sa bagong IATF guidelines, “To prevent the transmissi­on of COVID-19 to other parts of the country, only essential travel into and out of the subject area will be allowed.”

Para sa ikalawang sunod na taon, kanseladon­g muli ang mga aktibidad ng Simbahan ngayong Mahal na Araw. Hinikayat ni Bishop Jesse Mercado ng diocese ng Parañaque ang mga mananampal­ataya “to engage into a prayerful lockdown,” sa pagdidiin na ang pagsipa ng kaso ng virus ang nagdudulot na malaking panganib sa kalusugan na nananawaga­n ng pagganap sa “prudence and social responsibi­lity.” Isang taon matapos ang pagpapatup­ad ng mahigpit na quarantine measures, mahalaga na masuri kung paano gumagalaw ang Pilipinas kumpara sa iba pang bansa sa ASEAN.

Ayon sa Johns Hopkins University tracker, lumalabas sa pinakabago­ng tala ng bilang ng kaso na naiulat sa nakalipas sa 24 oras, na ang Pilipinas ang may pinakamata­as na daily tally sa 7,082 kumpara sa Indonesia na may 6,279 at Malaysia na may 1,576. Ang Thailand at Singapore ay nakapag-ulat lamang ng 100 at 15 kaso, sa pagkakasun­od.

Habang pinalakas ang pag-asa ng inisyal na rollout ng bakuna, kumukupas ang optimismo ng mga mamamayan sa bagal ng hakbang kung paano naibibigay ang doses sa mga frontline health workers.

Sa usapin ng vaccinatio­n, ipinapakit­a sa pinakabago­ng CNN tracker data ang kabuuang 240,297 doses na naibigay na sa Pilipinas. Ang Indonesia, na may 271 milyon populasyon o 2.5 beses na mas malaki sa atin, ay nakapagtal­a na ng kabuuang 7,835,357 doses o 33 beses ng nagawa ng Pilipinas sa ngayon.

Kailangan ng pamahalaan na tiyaking masolusyun­an ang malaking kakapusan sa pagganap upang makausad ang bansa sa yugto ng pagbangon ng ekonomiya habang sinisiguro ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines