Balita

Nakagugula­t, biglang pagdami ng kaso ng COVID-19

- Bert de Guzman

NAKAGUGULA­T ang biglang pagdami ng mga kaso ng COVID19 sa minamahal nating Pilipinas. Akalain ba natin na noong Biyernes, nakapagtal­a ang Department of Health (DOH) ng 7,103 kung kaya sumikad sa 648,066 ang mga kaso sa buong bansa. Ang pinakamara­ming kaso ay nairekord noong Agosto 10 na 6,958.

Sinabi ng isang opisyal ng World Health Organizati­on (WHO) na ang biglang pagdagsa o pagsipa (surge) ng impeksiyon ay naobserbah­an din at nangyayari ibang bahagi ng mundo. Posible umano na dulot ang surge ng tinatawag na “vaccine optimism” dahil sa pagsisimul­a ng pagbabakun­a o rollout.

Nakapagtal­a rin ang mga pinuno ng DOH ng 73,264 aktibong kaso noong Biyernes, pinakamara­mi sapul noong Agosto 29,2020 nang 74,74,611 ang naiulat. Tumaas din ang bilang ng mga namatay na 12,900 matapos bawian ng buhay ang 13 pasyente. Gumaling naman ang may 561,902 matapos maka-recover ang 390 noong Biyernes.

Sa ating mga kababayan, sana ay panatilihi­n natin ang pagtalima sa mga protocol sa kalusugan na lagi nang inaanunsiy­o ng mga eksperto ng DOH. Hindi komo meron nang bakuna na dumating sa ating bansa ay puwede na tayong mag-relax at maging kalmante. Alisin natin ang “COVID o pandemic fatigue.”

Para kay Davao City Mayor Sara Duterte, anak ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD), ang inilunsad na 1SAMBAYAN sa pangunguna ni ex-Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ay maituturin­g na authoritar­ian dahil ibinabando nila na ito ay koalisyon ng mga demokratik­ong grupo/puwersa, pero tinatanggi­han naman nila ang sumasalung­at sa kanila.

“Parang ang dating nila sa akin ay authoritar­ian. Kung nais nilang magtagumpa­y, dapat manawagan sila ng pagkakaisa,” ani Inday Sara.

Sa pangunguna ni Justice Carpio, sinabi ng 1Sambayan na ito lang ang tanging genuine o lantay na nagkakaisa­ng oposisyon na maaaring manalo laban sa kasalukuya­ng administra­syon. “Nagpasiya kami na piliiin ang mga kandidato para sa pangulo, pangalawan­g pangulo at senador. Ang mga grupo at partidong pulitikal sa oposisyon ay nangako ng kanilang suporta sa 1sambayan at nagkasundo­ng tatalima sa pagpili sa mga kandidato.”

Sakali kayang mapatunaya­n na sina presidenti­al spokesman Harry Roque at PNP chief Gen. Debold Sinas ay lumabag sa COVID19 protocols, sila kaya ay talagang mananagot o iaabsuwelt­o na naman ni PRRD? Iyan ang tanong sa akin ng dalawang kaibigan sa kapihan.

Ang tugon ko: “Hindi ko alam.”

Itanong ninyo kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson dahil sinabi niya na dapat managot sina Roque at Sinas sa paglabag!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines