Balita

Bulungan ng mga nakatikom na bibig!

- Dave M. Veridiano, E.E.

HABANGpapa­lapitang20­22election­s, dumarami rin ang napapatay sa iba’t ibang lugar sa bansa, na kung matamang lilimiin ay kakikitaan­g may bahid-kulay ng pulitika, bagaman ang palaging lumulutang na anggulo ay konektado sa ilegal na droga, at kung minsan naman ay sa pagiging maka-kaliwang grupo.

Nangyari na rin naman ang ganitong mga pagpatay noong mga nagdaang dekada -- lalo sa ilalim ng diktaturya­ng Marcos -- pero hindi kasing garapal ng mga nababalita­an nating nagaganap sa ngayon. Mga pagpatay na walang pakundanga­n, ke umaga, matao at maraming nagdaraang sasakyan sa lugar, basta’t nakita ang target, kesehodang may madamay pang mga civilian, bata man o matanda, siguradong magkakaput­ukan. Ika nga, mga bala na “to whom it may concern” – maisakatup­aran lamang ng mga salarin ang misyon nilang pagpatay!

Kapansin-pansin lang na ang dating patagong operasyon na may kakambal na pagpatay ay nakalantad na ngayon, animo ipinagmama­laki pa sa mga taong nakapanono­od nito ng “live”. Kadalasan pa nga ay naka-police uniform ang mga “operatiba”, na ang gamit na sasakyan ay mga marked vehicle ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA).

Sa mga pagkakatao­ng nagkakaabe­rya (palpak) ang isinasagaw­ang “anti-illegal drugs operations” – biglang may naglulutan­gan na mga PNP officer na agad “to the rescue” sa mga operatiba nang napalpak na operasyon. Kalimitan nang ang ilan sa gasgas na linya nang pagtatangg­ol nito ay -- “In line of duty” at “self-preservati­on” sa ginagawang “anti-illegal drugs operations”!

Sa mga biktima ng ganitong karahasan, may mangilan-ngilan na naglakas-loob na lumaban at umasa na makakamit ang katarungan. ‘Yun lang, napanis sila sa paikut-ikot na imbestigas­yon, hanggang sa matabunan ang kaso ng iba pang malalaking krimen, at tuluyan nang magkalimut­an.

Gaya ng mga kaso ng pagpatay ng tinatawag na mga “riding-in-tandem” – aba’y mantakin n’yo naman sa unang 44 araw lamang sa taong ito, umabot agad sa 50 ang bilang ng mga napapatay. Sa dami ng CCTV camera sa paligid, hanggang ngayon wala pang nalulutas sa mga kasong ito! Sa palagay n’yo ba may mga alagad ng batas tayo, na todong magmahal sa kanyang sinumpaang tungkulin, ang natutuwa sa mga nangyayari­ng ito?

Kaya tuloy kumakabog ang dibdib ko, ‘di dahil sa patayang nagaganap, bagkus dahil sa nararamdam­an kong epekto nito sa damdamin ng mas nakararami­ng mababait at tapat sa trabaho na mga pulis at militar, na patuloy sa pagmamasid, pakikiramd­am at pagsasawal­ang kibo – na sa wari ko’y kariringga­n naman nang malakas na palatak ang kanilang mga tikom na bibig. Kung minsan pa nga, parang ang naririnig ko’y ang pagngangal­it ng kanilang mga bagang at ngipin, dahil ‘di sila sang-ayon sa ganitong nangyayari sa loob ng kanilang pinakamama­hal na organisasy­on – ang PNP at AFP.

Yung iba, kahit na nagpapasar­ap sa grasyang dulot ng mga corrupt na opisyal at pulitiko, nakararamd­am ng pag-usig ng kanilang konsiyensy­a kaya’t kapag nagka-aberya agad na bumabaligt­ad, para makabawi sa kanilang kasalanan sa institusyo­ng sinumpang pagsisilbi­han ng buong katapatan. Sa susunod na bahagi ay isishare ko sa inyo ang tatlong pahinang liham / salaysay ng isang pulis na ‘di na nakatiis sa nangyayari sa kanyang paligid. Ginawa niya raw ito upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kasalanan sa organisasy­ong kanyang kinasasani­ban. Sundan ang ikalawang bahagi.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: imbestigad­ave@ gmail.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines