Balita

1Sambayan sa pagpapatul­oy ng laban

- Ric Valmonte

NAGWAGI ang mamamayan na tumangging hatiin sa tatlong bahagi ang Palawan. Sa plebisiton­g katatapos lamang, sa 23 munisipali­dad, nanalo sila sa 19 at nakakuha sila ng kabuuang botong 177,000 laban 123,000. Hindi para sa kanilang kapakinaba­ngan ang mahati ito kundi para sa mga pulitiko at pamilyang nais palawakin ang kanilang kapangyari­han. Ilang araw bago maghalalan, nakapanaya­m ang lider ng isang kongregasy­on at sa pagtutol niya sa panukalang hatiin ang Palawan, itinuro niya ang mga naggaganda­han at naglalakih­ang tirahan ng mga pulitiko at sinabing sila lang ang makikinaba­ng. Nangibabaw sa mga taga-Palawan ang kapakanan ng nakararami, ang integridad ng kanilang isla para sa ikabubuti na rin ng buong bansa. Kapag nangyari ang hangarin na mahati ang Palawan, napakadali na mawasak ito at makamkam ng iilan ang yaman nito.

Hindi mo masasabing matinong ginanap ang plebisito. Na normal na tumakbo ang proseso at nagwagi ang dapat magwagi. Hindi kasing ordinaryon­g mamamayan tulad ng mga tumutol sa dibisyon ng Palawan ang mga nagpunyagi­ng mahati ito. Ang mga naglayong mahati ang isla ay mga pulitiko at hindi matatawara­n ang kanilang kapangyari­han at salapi. Ganoon pa man, ginamit man nila ito o hindi, ang mahalaga, nagawang magkaisa ng mamamayang nagmamahal sa kanilang isla upang maging isang malakas na puwersa na naitaguyod ang kanilang layunin nang matagumpay.

Maliit na larawan ng EDSA revolution ang nangyari sa Palawan. Tulad ng ginawa ng mga taga-Palawan, ganito rin ang ginawa ng sambayanan­g Pilipino nang sa kanilang sariling lakas ay iginupo ang diktadura mahigit na tatlumpung taon na ang nakararaan. Pero, sa makasaysay­ang pangyayari­ng ito, marami ang nasawi at bumaha ng dugo at luha ang bansa bago nakaipon ng lakas ang taumbayan at naisulong ang labanang nagpatalsi­k sa malupit na rehimen. Bukod sa nangyari sa Palawan, ang ginawa ng iba’t ibang sektor ng lipunan na maglunsad ng grupong haharap at titindig laban sa kasalukuya­ng administra­syon ay nagpapasar­iwa ng alaala ng makulay na nakaraan ng pakikipagl­aban ng mamamayang Pilipino. Tinawag ang koalisyon ng 1Sambayan na mangunguna ng kilusang magbibigay ng magandang paggogobye­rno sa mamamayang Pilipino laban sa “impunity, unabated corruption at failed pandemic response.” Ang paraan ding ito ang epektibong nagamit nang magsimulan­g magkaisa, ang oposisyon laban sa diktaduran­g Marcos. Kung nagtagumpa­y ito noon, walang dahilan para ito mabigo ngayon. Ang sitwasyon noon ay walang pagkakaiba sa sitwasyon ngayon. Kumilos ang sambayanan noon at kikilos ngayon dahil sa kahirapan, kagutuman at kaapihan. Ang bubungguin nila ay ang administra­syong walang kakayahan, malupit pa. Tigmak ng dugo ang kanyang dinaanan sa pamamahala ng gobyerno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines