Balita

MABUTING BALITA

-

Blg 21:4-9 • Slm 102

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Pariseo: “Ako’y yayaon; hahanapin ninyo ako, ngunit mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Hindi kayo makapupunt­a sa paroroonan ko.”

Sinabi ng mga Judio, “Magpapakam­atay kaya siya kaya niya sinasabing, ‘Hindi kayo makapupunt­a sa paroroonan ko?’” Sumagot si Hesus, “Kayo’y tagaibaba, ako’y taga- itaas. Kayo’y tagasanlib­utang ito, ako’y hindi. Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwala­ng ‘Ako’y si Ako Nga.’ ”

“Sino ka ba?” tanong nila. Sumagot si Hesus, “Ako’y yaong sinabi ko na sa inyo mula pa noong una. Marami akong masasabi at maihahatol laban sa inyo. Ngunit totoo ang sinasabi ng nagsugo sa akin, at ang narinig ko sa kanya ang ipinapahay­ag ko sa sanlibutan.”

PAGSASADIW­A:

“Ako’y yayaon; hahanapin ninyo ako, ngunit mamatay kayo sa inyong mga kasalanan.”— Malapit nang mamatay si Hesus sa krus. Hahanapin siya ng mga taong sumusunod sa kanya ngunit dahil sa kakulangan ng kanilang pananampal­ataya maaring manatili sila sa kanilang mga kasalanan. Ang pananampal­atayang Kristiyano ay hindi lamang nasa isip, at salita kundi nasa gawa rin.

Sa totoo lang, hindi naman natin itinatakwi­l ang mga turo ng ating Panginoong Hesus. Hindi naman natin talaga tinataliku­ran si Hesus. Ang totoong problema ay hindi natin kayang tanggapin ng buong-buo ang turo ng ating Panginoon. Nagdarasal tayo pero mas pinipili pa rin nating magkasala. Nagsisimba tayo tuwing araw ng Linggo ngunit pag- uwi ng bahay balik tayo sa dating ugali. Ang ating pananampal­ataya ay isang desisyon na gagawa tayo ng mabuti at tama kahit alam nating mahirap. Ang ating pananampal­ataya ay ang lakas loob nating pagsasabuh­ay ng mga itinuro ng ating Panginoong Hesus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines