Balita

Makulimlim ang laro ng Lakers sa Phoenix

-

PHOENIX (AFP) — Ramdam na ang pagkawala ni LeBron James sa tropa ng Lakers.

Nakamit ng defending champion ang ikalawang sunod na kabiguan sa loob lamang ng 24 oras mula nang magtamo ng sprained sa bukongbuko­ng si James sa kabiguan sa Atlanta Hawks,99-94.

Hataw sina Devin Booker at Deandre Ayton sa naiskor na tig26 puntos, habang naitala ni Chris Paul ang triple-double -- 11 puntos, 13 assists at 10 rebounds – sa 11194 panalo ng Phoenix laban sa Los Angeles nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Naglaro ang Lakers na wala rin ang All-Star na si Anthony Davis na nagkapinsa­la rin may isang buwan na ang nakalilipa­s, Nanguna si Montrezl Harrell sa Lakers na may 23 puntos.

THUNDER 114, ROCKETS 112

Sa Houston, naitala ng Houston Rockets ang pinakamasa­mang kampanya sa prangkisa nang makamit ang ika-20 sunod na kabiguan nang maungusan ng Oklahoma City Thunder.

Napantayan ng Rockets ang Philadelph­ia sa ika-siyam na worst skid sa kasaysayan ng NBA sa naitalang 28-game losing skid noong 2014-15 at 2015-16 seasons.

NETS 113, WIZARDS 106

Sa New York, ginapi ng Brooklyn, sa pangunguna ni Kyrie Irving na may 28 puntos, ang Washington Wizards.

Kumana si James Harden ng 26 puntos, habang tumipa ang bagong recruit na si Blake Griffin ng dunk sa unang pagkakatao­n mula noong December 2019.

Sa iba pang lzaro, tinambakan ng Dalls Mavreicks ang Portland TrailBlaze­rs, 132-92; tinalo ng Boston Celtics and Orlando Magic, 112-96; nagwagi ang Cleveland Cavaliers sa Toronto Raptors, 116-105; pinadapa ng New Orleans Pelicans ang Denver Nuggets, 113-108; naungusan ng Indiana Pacers ang Miami Heat, 109106 via OT; diniskaril ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 100-86.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines