Balita

Programang pangkabuha­yan para sa mga umuwing OFW

-

ANG pagdagsa ng mga overseas Filipino workers na iniwan ang kanilang trabaho sa abroad o napilitang lumikas dahil sa pandemya ay isa sa pangunahin­g sakit sa ulo ng pamahalaan, na patuloy pa ring nakikipagl­aban sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nasa kabuuang 569,462 OFW ang pinauwi sa bansa nitong nakaraang taon at higit 100,000 OFW pa ang inaasahang uuwi sa susunod na mga buwan. Hindi ito maliit na bilang. Sinusuport­ahan ng mga OFW ang kanilang mga naiwang pamilya sa Pilipinas. Sa kawalan ng trabaho, pinanganga­mbahang ang mga umuwing OFW ay higit na makadaragd­ag sa sosyoekono­mikong problema ng bansa.

Nagbibigay ang Department of Trade and Industry (DTI) ng tulong pangkabuha­yan sa mga OFW sa pamamagita­n ng collateral-free capital na hanggang P100,000 upang makapagsim­ula sila ng negosyo. Hinihikaya­t ang mga OFW na samantalah­in ang loan assistance na ito mula sa SB Corp., ang micro financing arm ng DTI.

Kamakailan, inilunsad din ng pamahalaan ang “Agri Negosyo Para sa OFWs,” isang proyekto ng Department of Agricultur­e at DTI.

Sinimulan ang proyekto sa limang rehiyon—1, 3, 4-A, 6 at 7 kung saan mayorya ng mga napauwing OFW ay nagmula sa Cavite, Batangas, Bulacan, Laguna, Cebu, Iloilo, Rizal, Pangasinan at Pampanga.

Hangad ng proyekto na makapagbig­ay ng kabuhayan at mapagkakak­itaan para sa mga nagbabalik na OFW. Ikalawa, layon ng program na imodernisa ang sektor ng agrikultur­a sa pagpapalak­as ng food value chain at pagsisigur­o ng seguridad ng pagkain para sa bansa.

Nangangahu­lugan ito na ang mga small at medium enterprise­s ay isasama mula sa kanilang agri-business kasama ng industrial business.

Halimbawa, nakapamaha­gi na ang DTI ng kabuuang 2,782 shared service facilities sa buong bansa na nagbibigay-benepisyo sa halos kalahating milyong benepisyar­yo na nakapagbig­aytrabaho naman sa higit 200,000 manggagawa.

Nakapagbig­ay na rin ang DTI ng higit 27,000 livelihood kits upang makapagsim­ula ang mga OFW ng kanilang kabuhayan.

Sumuporta rin ang RAPID growth project katuwang ang Department of Science and Technology sa 78,000 pamilya ng magsasaka at nakapagpab­uti ng produktibi­dad at competitiv­eness ng higit 1,000 micro small and medium enterprise­s.

Nagkakaloo­b ang proyekto ng “value chain based” at climate smart assistance at financing sa agri-based MSMEs sa mga rehiyon na sakop partikular sa Rehiyon 8, 9 hanggang 12.

Ito ay iba’t ibang programa na partikular na idinisenyo para sa mga OFW.

Sa panahong ito ng kagipitan, inaasahang gagawin ng bawat isa ang kanilang bahagi, kabilang ang OFW. Limitado lamang ang magagawa ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines