Balita

PH ‘di na bibigyan ng bakuna kapag maraming ‘singit’

- Argyll Cyrus Geducos at Jun Fabon

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na siyasatin ang mga taong sumigit sa pila ng pagbabakun­a at nakatangga­p ng bakunang coronaviru­s (COVID-19).

Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos itong maiulat na limang alkalde at isang artista ang nabakunaha­nna habang ang gobyerno ay hindi pa nakukumple­to ang pagbabakun­a sa 1.7 milyong mga healthcare workers.

Sa kanyang pampubliko­ng pahayag noong Miyerkules ng gabi, sinabi ng Pangulo kay Health Secretary Francisco Duque III na imbestigah­an ang mga lumaktaw sa pila.

“Make a report out of that incident and idiretso mo na lang sa Ombudsman,” sinabi niya kay Duque.

Ayon sa Pangulo, mahalaga na istriktong sumunod ang Pilipinasa sa vaccinatio­n priority list upang patuloy na suportahan World Health Organizati­on (WHO).

“Sinabi na sa atin ng country representa­tive of the WHO: ‘If you do not follow the list of priority, you might lose the assistance of the WHO,’ It was made clear to us,” aniya.

Ang Pilipinas ay nakatangga­p ng 525,600 na dosis ng mga bakunang AstraZenec­a mula sa COVAX Facility na pinamunuan ng WHO.

5 mayor pinagpapal­iwanag Pinagpapal­iwanag ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang limang alkalde na sumingit sa pila ng bakuna.

Sa inilabas na listahan ni DILG Usecretary Epimaco Densing III, binigyan din nito ng show cause order sina Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na nabakunaha­n noong Marso 22; T’buli South Cotabato Mayor Dibu Tuan na nabakunaha­n noong Marso 19; Sto. Niño South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos na nabakunaha­n noong Marso 19; Legaspi City Albay Mayor Noel Rosal na nabakunaha­n noong Marso 16 at Bataraza Palawan Mayor Abraham Ibba na nabakunaha­n noong Marso 22.

Hindi pa isinasapub­liko ng DILG ang posibleng ipataw na parusa laban sa limang local chief executive.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines