Balita

Mark Anthony Fernandez posibleng kasuhan

- Ni CHITO CHAVEZ

PLANO ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa ng kaso laban kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez para sa umano’y special treatment sa aktor na si Mark Anthony Fernandez na nabakunaha­n coronaviru­s vaccine bago ang healthcare workers na dapat ay nasa listahan ng prayoridad.

Sinabi ni DILG Undersecre­tary Epimaco Densing III na si Olivarez ay maaaring managot para sa command responsibi­lity, sa kabila ng paliwanag ng huli na nabakunaha­n si Fernandez dahil halos lahat ng healthcare workers sa Parañaque City ay nabakunaha­n na.

Sinabi pa ni DEnsing na nagtitipon din sila ng mga ligal na basehan na maaaring magamit laban kay Fernandez.

Sa isang panayam sa ABS-CBN, binatikos ni Densing si Olivarez dahil sa paggawa umano ng mga kwento na si Fernandez ay nasa substitute list para sa pagiging isang taong may comorbidit­y.

Ngunit hindi tanggap ni Densing ang mga alibi na ito, binigyang diin na si Fernandez mismo ay inamin na malusog at walang mga gamot pangmainte­nance maliban sa mga bitamina.

Nauna nang nagpahayag ng galit ang DILG official matapos malaman na si Fernandez ay nakakuha ng isang libreng bakunang AstraZenca na dapat ay sa medical frontliner­s.

“Kaninang umaga pikon na pikon ako dahil sa Parañaque, may artista na binakunaha­n, yung Mark Anthony Fernandez,” sinabi ni Densing III sa panayam sa radyo dzBB nitong Miyerkules.

“Meron tayong priority list na dapat ini-implement, may programa na sinusunod diyan so yung mayor dapat sinusunod ang programa,” aniya.

Ang pagpabakua ni Mark ay nai-post sa isang website ng balita kung saan isinalaysa­y niya kung ano ang kanyang naranasan pagkatapos noon, habang tinuturuka­n at pagkatapos ng pagbabakun­a. Sinabi niya na wala siyang naramdaman na anumang mga epekto.

Sinipi din si Mark na hinihimok ang mga tao na huwag matakot sa bakuna at magpabakun­a pagdating ng pagkakatao­n.

Ngunit tila nakalimuta­n ni Mark na karamihan sa mga Pilipino ay walang parehong pribilehiy­o na mayroon siya sa pagbabakun­a sa coronaviru­s dahil sa kakulangan ng suplay matapos mabigo ang pambansang pamahalaan na makuha ito sa tamang oras at dahil sa pagkakaroo­n ng isang listahan ng priyoridad.

“It is the healthcare workers who should be vaccinated first, that guidance came from the World Health Organizati­on itself because they are on the frontline of fighting this virus. We have protocols to be followed,” sinabi ni Densing.

Ang pagbabakun­a ni Mark, ayon kay Densing, ay isang pagpapakit­a ng hindi magandang pagpapatup­ad ng protocol sa pagbabakun­a sa parte ng pamahalaan­g lokal ng Parañaque City.

 ??  ??
 ??  ?? Mark Anthony
Mark Anthony

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines