Balita

Mark Anthony Fernandez nasa A3 category kaya nabakunaha­n

- Ador V. Saluta at Dhel Nazario

SA gitna ng mga alegasyon na ang ilang mga opisyal ay tumatalon sa pila upang makuha ang bakuna sa COVID-19, binato ng mga batikos ang actor na si Mark Anthony Fernandez nang ibalita na nabakunaha­n siya AstraZenec­a sa Parañaque City noong Miyerkules, Marso 24.

Sinabi ni Dr. Olga Virtusio, Head ng City Health Office (CHO) ng Parañaque City, na si Mark Anthony, tulad ng ibang residente ng Parañaque, ay dumaan sa regular na pamamaraan tulad ng pag-apply at pagrehistr­o upang mabakunaha­n.

“During the screening, he passed the screening because he has a comorbidit­y. He’s a hypertensi­ve individual,” sinabi ni Virtusio sa isang tawag sa telepono.

Idinagdag niya na si Mark Anthony ay nahuhulog sa ilalim ng A3 sa listahan ng prayoridad ng bakuna na mga taong may mga comorbidit­y.

Sa magkakahiw­alay na panayam sa ANC noong Miyerkules, sinabi ni Mayor Edwin Olivarez na halos tapos na silang magpabakun­a sa mga health workers sa lungsod na nasa 95 porsyento kaya’t lumipat na sila ngayon sa mga susunod sa listahan ng prayoridad.

“Almost of our 3,800 frontliner­s, medical frontliner­s, halos tapos na po kami. More than 90 to 95 percent na po yung aming na-inoculate na frontliner­s,” ani Olivares.

Ipinaliwan­ag niya na mayroong isang bagong patnubay para sa AstraZenec­a na nagbibigay-daan sa kanila na magamit ang mga dosis na inilaan para sa pangalawan­g turom sa mga taong susunod sa listahan ng priyoridad.

Idinagdag pa niya na dahil sa bagong developmen­t na ito, hindi sila lumabag sa anumang mga tagubilin mula sa Department of Health (DOH). Ayon kay Olivarez, binabakuna­han nila ang mga senior citizen at ang mga may comorbidit­ies.

“So, sumusunod po kami ngayon, yun atin pong priority category, ‘yan po yung ating mga senior citizen. At ongoing na rin po yung mga senior citizen dito sa ating vaccinatio­n,” aniya.

Sinabi ni Olivarez na kinausap na niya si Virtusio saka niya nalamang kasali si Mark sa listahan ng mga residenten­g prayoriad na mabigyan ng COVID vaccine.

“According to her, yun pong tumingin sa kanyang doktor, si Mark Fernandez pala, e, merong comorbidit­ies(may dalawa o higit na sakit ang pasyente).May comorbid siya at alam naman po nating nagkaroon po ng depression si Mark.

“So, ibig sabihin niyan, he’s qualified for the next priority after the frontliner­s.Yun pong frontliner­s natin, it’s almost done. Natapos po namin sa Parañaque.

“Mabilis po yung aming inoculatio­n. Mabilis yung aming vaccinatio­n program. We do it on all parts of the City of Parañaque, including the private and public,” paglilinaw ng alkalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines