Balita

PATAFA ‘bubble’ naunsiyami

- Marivic Awitan

DAHIL sa nakakaalar­mang pagtaas muli ng bilang ng mga kaso ng coronaviru­s, nagesisyon ang pamunuan ng Philippine Athletics Track and Field Associatio­n (PATAFA) na iurong ang kanilang training bubble para sa 31st Southeast Asian Games.

Ayon kay PATAFA president Philip Ella Juico, prayoridad nila ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga atleta kung kaya minabuti nilang iurong na lamang ang pagsisimul­a ng training bubble sa Mayo 15 sa New Clark City (NCC) sa Tarlac.

“We’re still notifying the government that we intend to have bubble training on 15 May,” pahayag ni Juico na sa kasalukuya­ng sitwasyon ay magiging delikado kung sisimulan nila ang bubble sa orihinal nitong petsa sa Abril.

Sa mga nagdaang pagdaraos ng SEA-Games, ang PATAFA ang isa sa mga pinaka produktibo­ng national sports associatìo­n.

Noong nakalipas na 2019 na edisyon ng biennial meet, humakot ang mga Pinoy tracksters ng 11 gold medals, sa pamumuno nina Kristina Knott, EJ Obiena, Eric Cray, Clinton Bautista at William Morrison.

Ayon kay Juico, determinad­o silaņg panþayan o kung kakayanin ay lagpasan ang nakaraan nilang tagumpay kaya kinakailan­gan nilang simulan ng maaga ang kanilang preparasyo­n.

Naglaan na sila ng budget na P1 million kasama na doon ang accommodat­ion, pagkain at mga pangunahin­g pangangail­angan ng mga kalahok sa training na pangunguna­han nina marathon champion Christine Hallasgo at decathlon titlist Aris Toledo.

“Well, back in 2019, we also started our training camp around April or May and we had great results,” ayon pa kay Juico.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines