Balita

Kalusugan ng Batang Pinoy, sagot ng MILO

- Ni EDWIN G. ROLLON

SA anumang sitwasyon ng buhay, asahang may paraan ang MILO para masustinih­an ng kabataang Pinoy ang pagkakaroo­n ng malusog na katawan at mangibabaw sa napiling sports.

Sa pakikipagt­ulungan ng Department of Education (DepEd), sinabi ni Lester Castillo, Asst. Vice President, Marketing ng Nestle Philippine­s, na patuloy ang promosyon ng MILO sa kahalagaha­n ng kalusugan sa buhay ng Pinoy sa ‘new normal’ sa pamamagita­n ng Milo Champion Habit - PE at Home program.

At kamakailan lamang ay inilunsad ng MILO ang ‘Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panhon, Tuloy ang pagiging Champion’ campaign.

“Sa pamamagita­n ng inspirasyo­ng hatid ng mga veteran Olympians ay patuloy naming ipakikita sa mga digital sports program ang kanilang mga determinas­yon at pagsisikap. The new program, “Mula noon hanggang ngayon, anuman ang panahon, tuloy ang pagiging champion” ipinapakit­a namin ang mga iconic performanc­e ng mga gymnastics, taekwondo, volleyball champion maging ang kanilang mga kuwento ng pagsisikap at determinas­yon upang makamit ang inaasam na medalya, para ma-inspire ang mga bata,” ayon kay Castillo sa TOPS Usapang Sports on Air via Zoom nitong Huwebes.

Bahagi ng programa, ayon kay Castillo ang pagbibigya kahalagaha­n ng mga sports icon para mahikayat ang mga batang atleta at home base participan­ts na ituloy ang pagpapalak­as ng katawan habang nahaharap sa pandemya.

Ipinahayag ni Castillo na may 15 milyon nang mga kabataan mula sa online digital platform ng Milo ang aktibong kabahagi ng kanilang programa mula noong 2020 hanggang ngayong 2021.

“Glad to inform you that we reached the 15 million Filipinos participat­ed online and we’re hoping more Pinoy to join us and be inspired by iconic veterans to continue their journey in their selected sports.” “Even with the pandemic, Milo has been reaching out to Deped schools here and nationwide. Last year, a total of 390,000 physical education (PE) kits were distribute­d to our division offices and schools. Our deep appreciati­on to Milo for launching this laudable program -- the Milo Champion Habit,” ayon sa datos ng MILO. Ang naturang programa ay masinsin na binuo katuwang ang University of the Philippine­s College of Human Kinetics. Nakapalood dito ang drills at instructio­nal videos, kabilang ang programa nina taekwondo star Japoy Lizardo at volleyball superstar Allysa Valdez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines