Balita

NoKor naglunsad ng bagong ‘tactical guided projectile’

-

PYONGYANG (AFP) — Sinubukan ng North Korea ang isang bagong “tactical guided projectile” na may solid-fuel engine, sinabi ng media ng estado noong Biyernes.

Ang Pyongyang ay may mahabang kasaysayan ng paggamit ng mga weapons tests upang mapalakas ang tensyon, at subukang itulak ang mga layunin nito.

Noong Huwebes ay naglunsad ito ng dalawang sandata mula sa silangang baybayin, na tinawag ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na mga ballistic missile.

Sinabi ni US President Joe Biden sa mga reporter na ang UN resolution 1718 “was violated by those particular missiles that were tested”.

Ang US ay “consulting with our partners and allies”, sinabi ni Biden nitong Huwebes, nagbabala sa North Korea na “there will be responses if they choose to escalate. We will respond accordingl­y.

“I’m also prepared for some form of diplomacy, but it has to be conditione­d upon the end result of denucleari­sation,” dagdag niya.

Ang pagpapaput­ok ay pinangasiw­aan ng mataas na opisyal na si Ri Pyong Chol, iniulat ng official KCNA news agency, sa halip na anh pinuno na si Kim Jong Un.

Matagumpay ito sa dalawang projectile na tumpak na tumatama sa isang target na 600 na kilometron­g (370 milya) papunta sa Sea of Japan, na kilala bilang East Sea sa Korea, dagdag nito - higit pa sa 450 na kilometron­g naiulat ng militar ng South Korea.

Sinabi ng KCNA na ang sandata ay maaaring magdala ng isang payload na 2.5 tonelada, sa isang pahayag na iniwasan ang paggamit ng mga salitang “missile” o “ballistic”.

Nakumpirma ng pagsubok ang reliabilit­y ng isang improved solid fuel engine, idinagdag ng KCNA.

Sinabi ni Vipin Narang ng MIT na tila ito ay isang sandata na ipinakita ng North sa military parade noong Enero.

“A 2.5 ton warhead likely settles the question whether this KN23 variant is nuclear capable. It is,” tweet niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines