Balita

Pekeng pulis, ikinulong

- Orly L. Barcala

Arestado ang isang 39-anyos na lalaki na nagpapangg­ap na police major dahil sa kulay ng suot nitong t-shirt na ipinagbaba­wal ng Philippine National Police (PNP), sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PLT. Robin Santos, head ng Station Investigat­ion Unit (SIU), kinilala ang nasakoteng suspek na si Henry G. Teodoro, naniniraha­n sa Rosal Street, Maysilo, Malabon City.

Ayon kay Lt. Santos, dakong 1:45ng madaling araw, nagpapatru­lya sa MacArthur Highway, Barangay Malanday sina Pssg. Edison De

Guzman at Pssg. Roland Belarma, ng Valenzuela Police Sub-Station 6.

Napansin nila si Teodoro na nakasout ng police uniform na may ranggong major mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Paglabas ni Teodoro sa isang convenienc­e store ay napansin ninan Pssg. De Guzman at Pssg. Belarma na kulay orange ang sout na T-shirt na panloob nito, gayung mahigpit itong ipinababaw­al ng PNP.

Doon na sinita ng dalawang pulis ang suspek at tinanong sa tamang pagtatalag­a ng badge number at iba pang kwestyun bilang isang pulisnpero wala na itong maisagot, kaya naman pinosasan na siya at dinala sa presinto. Nabatid na walang drivers license si Teodoro at wala ring rehistro ang kanyang motorsiklo.

Kakasuhan siya ng Usurpation of Authority, Illegal Use of Uniform or Insignia, Motorcycle Helmet Act of 2009, Driving Without License, at No Motorcycle Certificat­e of Registrati­on (CR) and Official Receipt (OR).

Inisyuhan din siya ng Ordinance Violation Receipt dahil sa paglabag sa curfew hours.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines