Balita

Obrero, huli sa ikinalat na sex video

- Liezle Basa Iñigo

LAOAG CITY, Ilocos Norte – Inaresto ng pulisya angisang constructi­on worker matapos ikalat ang sex video ng kanyang kasintahan sa nasabing lungsod, kamakailan.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek nakilalang si Joel Subilon Miaga, 33, tubong Ormoc City, Leyte at pansamanta­lang residente ng Bgy. 44 Zamboanga, ng lungsod. Sinabi ng pulisya, ang suspek ay dinampot ng mga tauhan ng Criminakl Investigat­ion and Detection Group (CIDG)-Ilocos Norte Provincial Field Unit, Ilocos Norte Provincial Police Office at Laoag City Police sa loob ng isang hotel sa Bgy. Balatong, Laoag City, nitong Marso 25 ng hapon.

Bago ang pag-aresto, inamin sa pulisya ng biktimang si Jovelyn (hindi tunay na pangalan), 40, canteen helper, tubong Cagayan at taga-Bgy. 44 Zamboanga, na nagkaroon sila ng relasyon ng suspek na nagsimula noong Mayo ng nakaraang taon. Sinabi ng pulisya, nagkaroon na ng maraming beses na pagtatalik ang dalawa, gayunman, lingid sa kaalaman ng biktima ay ini-record ito ng suspek.

Sa report ng pulisya, ipinadala umano ng suspek ang nasabing sexual videos sa kanilang mga kaibigan, at pati na rin sa biktima, noong Setyembre ng nakaraang taon. Mula noon, ito na umano ang ginagamit ng suspek na panakot sa biktima kung tumatanggi itong makipagtal­ik sa kanya.

Nitong Marso 25, pinilit na naman umano ng suspek ang biktima na magkita ang mga ito sa nasabing hotel na ikinaarest­o ng una. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 at Republic Act 9995 (Anti- Voyeurism Act of 2009) o ang batas na nagbabawal sa pagkuha ng video o litrato ng nagtatalik nang walang pahintulot ang kinukunan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines