Balita

WHO umapela ng mga bakuna para sa mahihirap na bansa

KALAHATING BILYON NABAKUNAHA­N NA

-

GENEVA (AFP) — Inilunsad ng mga opisyal ng kalusugan ang higit sa 510 milyong dosis ng bakuna ng coronaviru­s sa buong mundo, ngunit sa malalaking puwang sa pagitan ng mga bansa, umapela ang WHO noong Biyernes sa mayayamang bansa na magbigay ng mga bakuna upang matulungan ang mga mahihirap na magsimula ng mga pagbabakun­a.

Sa kabila ng malaking pagsisikap na maiturok ang mga bakuna, patuloy na tumataas ang pandemya sa Europe at Latin America - kung saan lumagpas ngayon ang Brazil sa 300,000 pagkamatay at Mexico sa 200,000.

At hindi pantay-pantay ang pag-deploy ng mga bakuna, na ang United States ay nagtatala ng higit sa isang-kapat ng pangkalaha­tang pandaigdig­an at ang mga mas mahihirap na bansa ay nahuhuli sa mas mayaman.

Nanawagan ang World Health Organizati­on para sa donasyon na milyun-milyong mga dosis ng bakuna sa Covid-19 upang ibigay sa bawat bansa at makapagsim­ulang magbakuna sa loob ng unang 100 araw ng 2021.

Nananawaga­n si WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesu­s para sa “10 million doses immediatel­y as an urgent stop-gap measure so these 20 countries can start vaccinatin­g their health workers and older people within the next two weeks”.

“We are still in the acute phase of the pandemic,” dagdag ni WHO technical lead Maria Van Kerkhove.

Talamak na yugto ng pandemya

Ang mga mayayamang bansa sa EU ay nakikipagl­aban pa rin na umalagwan ang kanilang pagbabakun­a, na na-udyok ng galit mula sa France.

Sinabi ni Pangulong Emmanuel Macron na mayroong isang bagong uri ng giyera sa mundo.

“We are looking in particular at Russian and Chinese attacks and attempts to gain influence through the vaccine.”

Gayunpaman, ang Moscow - na ang bakunang Sputnik V ay inilunsad sa maraming mga bansa sa buong mundo - ay mabilis na bumuwelta at sinabi ng mga opisyal ng Kremlin sila ay “absolutely disagree”.

2.7 milyon namatay

Sa higit sa 2.7 milyong katao na namatay mula sa isang virus na unang lumitaw sa China noong huling bahagi ng 2019, ang mga pinuno saanman ay napi-pressure na siguruhin ang mga supply ng bakuna.

Sa bilang ng AFP sa mga pandaigdig­ang pagbabakun­a ay nagpakita na higit sa 512.91 milyon na ang nabakunaha­n noong Biyernes, na may 133 milyon sa US at 91 milyon sa India.

Ngunit ang nakababaha­lang pagtaaa ng antas ng mga impeksyon, na may higit sa kalahating milyong mga kaso ang naitala sa buong mundo sa nitong huling linggo lamang, ayon sa datos ng AFP.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines