Balita

Mozambique: Higit 180 katao nakulong sa inatakeng hotel

-

MAPUTO (AFP) — Mahigit sa 180 katao kabilang ang mga manggagawa­ng expatriate ay nakulong sa loob ng isang hotel sa hilagang bayan ng Mozambique na kinubkob ng mga rebelde sa loob ng tatlong araw, sinabi ng mga manggagawa at security sources nitong Biyernes.

Maraming tao ang iniulat na namatay, ayon sa mga saksi at isang rights group, matapos ang pag-atake sa Palma malapit sa isang liquified natural gas site sa lalawigan ng Cabo Delgado.

Ang French oil giant na Total ay ang punong namumuhuna­n sa $20 bilyon (16.9 bilyong euro) proyekton—ang pinakamala­king sa Africa - kasama ang anim pang iba pang mga pang-internasyo­nal na kumpanya kasama ang ExxonMobil na kasangkot sa lugar.

Nagsimula ang pagsalakay ng mga militanten­g jihadist sa baybaying bayan noong Miyerkules ng hapon, nagpuwersa ng pagtakas ng takot na takot na mga residente patungo sa nakapalibo­t na kagubatan habang ang LNG at mga manggagawa ng gobyerno ay nagkanlong sa Amarula Palma hotel.

“Almost the entire town was destroyed. Many people are dead,” sinabi ng isang manggagawa sa site ng LNG na nagsasalit­a sa telepono nitong Biyernes ng gabi pagkatapos siya ay lumikas sa Afungi. Hindi niya ibinigay ang mga detalye ng mga nasawi o ang kanilang mga nasyonalid­ad.

“As locals fled to the bush, workers from LNG companies, including foreigners, took refuge in hotel Amarula where they are waiting to be rescued,” sinabi niya, hiniling na huwag na siyang pangalanan. Sinabi ng Human Rights Watch na ang mga umaatake ay isang pangkat na kilala sa lokal bilang Al-Shabab, na walang kilalang direktang kaugnayan sa Somalia jihadist organizati­on na may katulad na pangalan.

“Several witnesses told Human Rights Watch that they saw bodies on the streets and residents fleeing after the Al-Shabab fighters fired indiscrimi­nately at people and buildings,” sinabi ng rights group sa isang pahayag nitong Biyernes. Kinumpirma ng gobyerno ng Mozambique noong Huwebes ang pag-atake sa bayan at sinabi na ang mga sundalo ay naglunsad ng isang opensiba upang maitaboy ang mga mandirigma mula sa bayan, ang sentro ng higanteng proyekto sa gas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines