Balita

PH, pinalalaya­s mga barko ng China sa Julian Felipe Reef

- Bert de Guzman

HINILING ng Pilipinas sa China na alisin ang mga barko nila na nasa Julian Felipe (Whitsun) Reef sapagkat ang pananatili ng Chinese maritime vessels doon ay “tahasang paglabag sa soberanya ng Pilipinas, sovereign rights at jurisdicti­on.”

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabihan ng ating bansa ang dambuhalan­g nasyon sa agarang withdrawal ng mga fishing vessel at maritime assets nito sa bisinidad ng karagatan ng Kalayaan Group of Islands sa West Philippine Sea para maiwasan ang pagkasira ng kapaligira­n at likas na yaman ng Pilipinas.

Binanggit ng DFA na ang Julian Felipe Reef sa Kalayaan Group Islands ay saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. “We reiterate that the continued deployment, lingering presence and activities of Chinese vessels in Philippine maritime zones blatantly infringe upon PH sovereignt­y, sovereign rights and jurisdicti­on.”

Samantala, sinabi ng United States embassy na kaisa nito ang Pilipinas sa pagsalunga­t sa presensiya ng 220 barko ng Chinese maritime militia vessel sa naturang reef. “We stand with the Philippine­s, our oldest treaty ally in US.”

Nanawagan ang mga mambabatas, partikular ang mga senador, sa pagbalasa at pagpapalaw­ak ng membership ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang maisama ang mga kinatawan mula sa pribadong sektor sa harap ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 at pangungule­lat ng Pilipinas sa vaccinatio­n program.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralp Recto, na kailangan ng IATF na “mag-change oil at magchange na rin ng makina at driver.” Ibig sabihin, buwagin o palitan ang mga opisyal at miyembro ng IATF. “Kung talagang kailangan ang reinforcem­ent sa IATF, hindi dapat ang mga MDs--o mga military dati-- sapagkat ang sektor na ito ay nakatapos na sa kanilang quota.”

Maging ang nakararami­ng Pinoy ay naniniwala­ng ang dapat na ilagay sa IATF ay mga eksperto sa kalusugan, mga doktor at bihasa sa larangan ng medisina at hindi dating mga heneral ng Armed Forces of the Philippine­s o kaya’y ng Philippine National Police.

Batay sa pinakahuli­ng COVID19 tally ng mga kaso sa bansa nitong Marso 23, ang kabuuang kaso sa buong bansa ay 677,653 na, ang bagong kaso ay naging 5,867 mula sa dating 8,019 samantalan­g ang mga namatay ay umabot na sa 12,992. Ang gumaling ay nasa 578,461 at ang mga aktibong kaso ay 86,200.

Kung hindi mag-iingat ang ating mga kababayan at mananatili­ng pasaway at kalmante, sinabi ng UP OCTA Research Group na baka sumipa sa 10,000-11,000 kada araw ang tatamaan ng virus.

Mabuti na lang at hinigpitan ngayon ng gobyerno ang pagpapaira­l ng mga kautusan, alituntuni­n at pagpasara sa mga establisim­yento para masawata ang pagragasa ng coronaviru­s sa maraming panig ng bansa, partikular sa Metro Manila.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines