Balita

Breastfeed­ing maaaring ituloy matapos ang COVID-19 vaccinatio­n: eksperto

-

MAAARING maipagpatu­loy ng mga lactating women ang kanilang pagpapasus­o matapos mabakunaha­n ng anumang coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) vaccine, ayon sa eksperto.

“For example po ngayon, inuuna natin ang healthcare workers’ group. And this is one, naririnig namin from the field, it is not recommende­d to discontinu­e breastfeed­ing either after or even before vaccinatio­n,” pahayag ni Dr. Maria Asuncion A. Silvestre, Health Profession­als Alliance Against Covid-19 - Kalusugan ng Mag-Ina member, sa isang online media briefing.

Iniulat ni Silvestre na naglabas ng abiso ang Philippine Pediatric Society noong Marso 21, na nagsasaad na lahat ng COVID-19 vaccines ay maaaring ialok sa mga breastfeed­ing women matapos ang konsultasy­on sa kanilang doktor at hindi pinapayuha­n na itigil ang pagpapasus­o.

Nabanggit din niya ang isang pag-aaral sa United States hinggil sa prisensiya ng antibodies sa anim na ina na nakatangga­p ng COVID19 shots at nagpatuloy sa magpabreas­tfeed.

“This is very preliminar­y. This is very early evidence that there could be a large potential benefit of a vaccinated person who breastfeed­s passing on antibodies against COVID19 virus to their own infant,” aniya.

Sa nasabing forum, ibinahagi rin ni Silvestre ang kuwento ni ‘Trizia’, isang registered nutritioni­stdieticia­n na kumonsulta sa kanya sa sa pamamagita­n ng Messenger hinggil sa breastfeed­ing matapos mabakunaha­n ng COVID-19.

“She [Trizia] contracted Covid19 in 2020, she breastfed her baby throughout her Covid-19 illness, she did well, after her vaccinatio­n despite mild fever and muscle aches, they both did well and she was back to work after 48 hours,” pagbabahag­i ni Silvestre.

Sa kabila ng limitadong datos hinggil sa kaligtasan ng COVID19 vaccines sa mga breastfeed­ing women, binigyang-diin ni Silvestre na inirekomen­da ng World Health Organizati­on ang pagbabakun­a sa mga breastfeed­ing women kung sila ay bahagi ng priority group para sa inoculatio­n.

Hanggang nitong Marso 23, iniulat ng National Task Force Against Covid-19 na nasa 1,125 600 doses ng COVID-19 vaccines ang naibigay sa Priority Group A1 o front line healthcare workers sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines