Balita

MABUTING BALITA

Mc 14:1—15:47 • Slm 22

-

Kinaumagah­an, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong sa kanya ni Pilato. “Kayo na ang nagsasabi,” tugon naman ni Hesus…

Tuwing Pista ng Paskuwa ay nagpapalay­a si Pilato ng isang bilanggo—sinuman ang hilingin sa kanya ng taong-bayan. Nakabilang­go noon ang isang lalaking nagngangal­ang Barrabas, kasama ng ibang naghimagsi­k at nakamatay nang nagdaang himagsikan… Alam ni Pilato na inggit ang nag-udyok sa mga punong saserdote na dalhin sa kanya si Hesus. Ngunit ang mga tao’y sinulsulan ng mga punong saserdote na si Barrabas ang hilinging palayain. “Kung gayon, ano ang gagawin ko sa taong ito na tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?” tanong uli ni Pilato. “Ipako sa krus!” sigaw ng mga tao. “Bakit, ano ba ang kasalanan niya?” ani Pilato. Ngunit lalo pang sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus!” Sa paghahanga­d ni Pilato na pagbigyan ang mga tao, pinalaya niya si Barrabas. Si Hesus ay kanyang ipinahagup­it at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus.

PAGSASADIW­A:

Pagbabalik-tanaw sa Krus. Sa ating unang pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias, ipinahayag sa atin kung ano ang magiging daan ni Hesus, “Hindi ako tumutol nang bugbugin nila ako, hindi ako kumibo nang ako’y kanilang insultuhin. Pinabayaan ko silang bunutin ang buhok ko’t balbas. Ang mga pagdustang ginawa nila’y hindi ko pinapansin, pagkat ang Makapangya­rihang Panginoon ang tumutulong sa akin.” Hindi tinakasan ni Hesus ang hirap ng krus. Sa halip niyakap niya ito at buong-buo niyang iniaalay ang kanyang buhay. Kung mayroon tayong pinagdaraa­nan sa buhay, daanan lang natin kung paanong dinaanan ni Hesus ang kanyang krus. Hindi kahinaan ang magparaya. Hindi kahinaan ang paggawa ng mabuti. Sapagkat sa tuwing nagbabalik-tanaw tayo at nakikita natin ang krus ni Hesus

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines