Balita

WALANG MINTIS!

Nets, wagi; Warriors at Bucks, igtad

- CELTICS 122, BUCKS 114

DETROIT (AFP) — Hataw si James Harden sa natipang 44 puntos at kumana si Blake Griffin ng 17 puntos sa kanyang pagbabalik sa Detroit para sandigan ang Brooklyn Nets sa manipis na 113-111 , wagipanalo laban sa Pistons nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nagbalik laro si Harden matapos magmintis ng isang laro bunsod ng pamamaga ng leeg. Humugot din siya ng 14 rebounds at walong assists. Naglaro ang Nets na wala pa rin sina Kevin Durant (left hamstring strain) at Kyrie Irving (personal reasons).

Naglato si Griffin ng mahigit tatlong season sa Pistons bago nakipagkas­undo para sa buyout agreement sa Detroit sa kaagahan ng Marso. Binigyan siya ng maigsing video tribute bago ang laro.

Nanguna si Jerami Grant sa Detroit na may 19 puntos.

Sa Milwaukee, tinuldukan ng Boston Celtics, sa pangunguna ni Jayson Tatum na may 34 puntos, ang eight-game winning streak ng Bucks.

Kumana rin si Marcus Smart ng 23 puntos at tumipa si Kemba Walker ng 21 puntos at may 18 puntos si Jaylen Brown.

Nalimitaha­n ng Celtics si Giannis Antetokoun­mpo isa 16 puntos.

JAZZ 117, GRIZZLIES 114

Sa Salt Lake City, nailista ng Utah ang ika-18 sunod na home victory nang gapiin ang Memphis Grizzlies.

Kumana si Donovan Mitchell ng 35 puntos, habang tumipa si Rudy Gobert ng 25 para sa Utah (33-11).

Nagsalansa si Ja Morant ng 30 puntos at 11 assists sa Memphis, habang nag-ambag si Jonas Valanciuna­s ng 14 puntos at 18 rebounds.

SUNS 104, RAPTORS 100

Sa Tampa, Fla. Tumipa ng tig-19 puntos sina Chris Paul at Deandre Ayton sa panalo ng Phoenix kontra Toronto.

Sa iba pang laro, naungusan ng Denver Nuggets ang New Orleans, 113-108; tinupok ng Portland Trailblaze­rs ang Orlando Magic,112-105; dinagit ng Atlanta Hawks ang Golden State Warriors, 124-108; nanaig ang Minnesota Timberwolv­es sa Houston Rockets, 107-101; nagwagi ang Charlotte Hornets sa Miami Heat, 110-105; giniba ng Indiana Pacers ang Dallas Mavreicks,109-94; nanaig ang Los Angles Lakers sa Cleveland Cavaliers, 100-86;

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines