Balita

Cagayan hospital, nagpapasak­lolo

- Liezle Basa Iñigo

CAGAYAN – Nanawagan na ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City ng suporta ng gobyerno para sa kanilang medical workers dahil pataas nang pataas na ang kaso ng coronaviru­s disease 2019 sa lugar.

Bukod dito, umaapela rin ang nasabing ospital ng gamot laban sa COVID-19.

Inilabas ng CVMC ang panawagan matapos na maalarma sa pagdagsa ng COVID-19 patients sa kabila ng kawalang sapat na isolation room ang ospital.

Sa panayam, sinabi ni CVMC chief, Dr. Glenn Matthew Baggao, puno na ang kanilang karagdagan­g 25 isolation room, at naghihinta­y pa rin ang 25 iba pang pasyente.

Okupado na rin aniya ang 125 na bed capacity ng ospital para sa mga pasyenteng may COVID-19.

“We really don’t have any more isolation rooms, the additional 25 beds again was full and we still have 25 more in line coming from diffirent LGUs of Cagayan and Isabela and 1 from province of Quirino. Even COVID medicine is running out . It’s really scary,” ang bahagi ng text message ni Baggao.

Kailangan na aniya nila ang karagdagan­g medical staff para maasikaso ang mga pasyente nahawaan ng virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines