Balita

Puslit na P12-M ‘COVID-19 cure’ nasabat

- Ellson Quismorio

Nasamsam ng mga awtoridad ang P12 milyong halaga ng umano’y gamot sa coronaviru­s disease 2019 na nanggaling pa ng China sa magkasunod na pagsalakay sa Mandaluyon­g at Parañaque, kamakailan.

Ito ang isinapubli­ko kahapon ng Bureau of Customs-Manila Internatio­nal Container Port (BOCMICP) at sinabing ang nasabing puslit na kargamento ay kinabibila­ngan din ng sigarilyon­g gawa ng China, medical supplies at alternatib­ong gamot sa COVID-19.

“This operation is in response to smugglers who take advantage of the pandemic and especially Holy Week and ECQ (enhanced community quarantine) to smuggle illegal medicines and contraband­s into the country,” ayon kay Alvin Enciso, hepe n Customs Intelligen­ce and Investigat­ion Service (CIIS).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines