Balita

Senior citizen, nagpatiwak­al?

- Leandro Alborote

TARLAC CITY – Isang lalaking senior citizen ang umano’y nagpatiwak­al dahil sa problema sa Bgy. Aguso ng nabanggit na lungsod, kahapon.

Kinilala ni Staff Sgt. Carlo Calaguas, ang umano’y suicide victim na si Walter Tacliad, 62, taga-Sitio Tañedo, ng nasabing lugar.

Ang bangkay ni Tacliad ay nadiskubre ng asawang sa loob ng kanilang kuwarto kahapon ng umaga.

Tumanggi na ang pamilya na ipa-awtopsiya si Tacliad, ayon pa sa pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines