Balita

Manila City residents, gagamit ulit ng Q-Pass

- Mary Ann Santiago

Inatasan ng Manila City government ang Manila Barangay Bureau (MBB) nito na magpalabas ng quarantine pass para sa mga residente upang makontrol ang paglabas ng mga ito sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ), na magsisimul­a ngayong araw, Marso 29 hanggang Abril 4.

Kaugnay nito, inatasan din ni Mayor Francisco Moreno Domagoso si MBB director Romeo Bagay na ipaalam sa mga Barangay kung papaano ang gagawing implementa­syon ng quarantine pass.

Sa memorandum na inilabas ni Bagay, lahat ng barangay chairman sa lungsod ng Maynila ay inatasan na mag-isyu ng isang quarantine pass kada isang pamilya.

Magiging ‘Odd - Even Coded’ ang format ng quarantine pass para sa schedule ng paglabas.

Samantala, inianunsyo ng alkalde na nakapagtal­a sila ng 837 bagong kaso ng coronaviru­s disease 2019 hanggang nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines