Balita

Political disinforma­tion bumaba, sa pananahimi­k ni Trump— sa ngayon

-

Inihayag ng Twitter ang permanente­ng suspensiyo­n ng account ni dating US President Donald Trump matapos ang naganap na Capitol Riot noong Enero 6, dahil sa posibilida­d ng muling pagsiklab ng karahasan, matapos ang ilang buwan ng tweets na kumokontra sa presidenti­al election victory ni Joe Biden.

Malaki ang ibinaba ng mga “false and misleading claims about American politics,” isang trend sa Twitter at Facebook — na nagsuspind­e rink ay Trump bagamat maaari pa rin itong makabalik— na maiuugnay.

Sa pagpapatah­imik kay Trump, na taliwas sa media-shy Biden sa White House, at hindi panahon ng eleksyon, nananatili­ng buhay ang pag-asa ng Americans sa economic recovery at Covid-19 vaccine rollout bagamat hindi kasing tindi ng epekto ng politika tulad noong 2020.

“The single most important thing was de-platformin­g Donald Trump,” ayon kay Professor Russell Muirhead, co-author ng “A Lot of People Are Saying,” aklat patungkol sa mga sikat na pahayag ni Trump, na ginagamit sa pagsusulon­g ng mga “unproven theories.”

“It has removed a daily blizzard of misinforma­tion from the ecosystem,” ani Muirhead sa AFP. “Not being bombarded is helping people’s misinforma­tion immune systems to reset themselves and recover.”

Gayunman, inaasahang pansamanta­la lamang ang epekto niyo sa isang online environmen­t kung saan hinuhubog ng mga balita ang misinforma­tion. Tulad ng conspiracy theories hinggil sa bakuna, na namayagpag ngayong 2021.

 ??  ?? Trump
Trump

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines