Balita

UN chief labis na nababahala sa tumataas na karahasan sa mga Asyano

-

NAGPAHAYAG ng matinding pagkabahal­a si United Nations Secretary-General Antonio Guterres nitong Lunes kaugnay ng tumataas na karahasan laban sa mga Asyano at mga taong may lahing Asyano sa gitna ng nagpapatul­oy na COVID19 pandemic.

Nasaksihan ng mundo ang mga kahindik-hindik na mga pag-atake, verbal at physical harassment, bullying sa mga paaralan, diskrimina­syon sa trabaho, panghihimo­k ng galit sa media at iba’t ibang social media platforms, at masasakit na salita mula mismo sa mga may kapangyari­han, giit ni Farhan Haq, deputy spokesman ni Guterres, sa isang pahayag.

Sa ilang bansa, partikular na tina-target ng pag-atake ang mga kababaihan­g Asyano, kung saan humahalo ang misogyny sa pakiramdam ng pagkamuhi. Libulibong insidente ng pag-atake ang naganap na nakalipas na taon sa dekadang kasaysayan ng

intoleranc­e, stereotypi­ng, scapegoati­ng, eksploytas­yon at pag-aabuso, ayon pa sa pahayag.

Nagpaabot si Guterres ng buong suporta para sa mga biktima at pamilya at nanindigan ng pakikiisa sa mga nahaharap sa racism at iba pang pag-atake sa kanilang karapatang tao.

“This moment of challenge for all must be a time to uphold dignity for all,” saad ng UN chief.

Nito lamang Marso 16, walong katao, kabilang ang anim na Asyano, ang namatay sa tatlong insidente ng pamamaril sa ilang massage parlors sa Atlanta area.

Naganap ang pag-atake sa gitna ng tumataas na karahasan laban sa Asian American community sa gitna ng coronaviru­s pandemic.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines