Balita

Drawing lang ang vaccinatio­n program

- Ric Valmonte

“TUTOL ang gobyerno sa national lockdown, pero ang kailan lamang na pagkalat ng sakit ay nangangahu­lugan na ang pagbangon ng ekonomiya ay mauudlot hanggang sa kalagitnaa­n ng 2021,” ayon sa research company na Moody Analytics sa kanyang ulat nitong nakaraang Huwebes. Kaugnay ito sa hindi mapigilang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasak­it ng COVID19 na hinigitan pa ang naganap noong nakaraang taon na pumalo sa napakataas na bilang. Kasi, sinabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na iniwasan ng pamahalaan ang magpairal ng mas mahigipit na quarantine regulation­s sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID19. Ang mahalaga, aniya, ay bukas ang ekonomiya upang hindi magutom ang mamamayan. “Pero magpapatul­oy ang paglaganap ng pandemya sa mga darating pang mga araw dahil limitado ang nagagamit na bakuna,” wika ni economist Katrina Ell ng Moody Analytics.

Hindi naman maitatatwa ito dahil ito talaga ang nangyayari. Sa huling pagharap ni Pangulong Duterte sa mamamayan, inamin niya na hindi pa bumili ng bakuna ang gobyerno. Nasabi niya ito sa kanyang pagnanais na pabulaanan na may korupsyong nagaganap kaugnay ng mga itinuturok nang bakuna. Kung bibili ang gobyerno, aniya, na gamit ang inutang sa mga bangko, walang matatangan­ang pera ang sinuman. Ang mga bangko ang diretsong magbabayad sa pinagbilih­an ng bakuna. Kaya, ang mga lumalagana­p na bakuna at itinuturok na sa mga prayoridad na mamamayan ay ang donasyon ng China na Sinovac. Ang AstraZenec­a naman ay galing sa mga ibang bansa na ipinamamah­agi sa mga mahirap na bansa, tulad ng Pilipinas, ayon sa patakaran ng World Health Organizati­on na magkaroon ang lahat ng mga bansa ng bakuna. Ganoon pa man, mayroon man tayong bakunang Sinovac at AstraZenec­a, kulang na kulang ang mga ito upang masawata o mapigil ang pagkalat ng sakit. Hindi makaagwant­a ang mga ito sa dapat na rapid mass vaccinatio­n.

“Sa mga bansang hindi makontrol ang COVID-19, tulad ng Pilipinas at Indonesia, ang prayoridad ay mabilisang pagbakuna upang mapababa ang mga namamatay at maging maluwag para sa mga health system,” ayon sa World Bank. Pero, napuna rin nito, ang pagtaas ng pagkahawa-hawa ng sakit sa Pilipinas at ito ay nahuhuli sa mass vaccinatio­n sa rehiyon, at may pagkabahal­a hinggil sa bisa at ligtas na bakuna.

Dahil hindi masawata ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasak­it, bumalik uli ang gobyerno sa tangi niyang alam at kayang remedyo - ang higit na mahigpit na quarantine at pagkalat ng mga pulis at sundalo upang mapairal ito. Paano makababang­on ang ekonomiya ng bansa gayong, ayon sa World Bank, nakadepend­e ito sa matagumpay na vaccinatio­n program at pagluluwag ng limitasyon sa paggalaw. Mula’t sapul, walang programa ang administra­syong Duterte sa pagbaka ng pandemya. Nakadrawin­g pa hanggang ngayon ang kanyang programa sa bakuna.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines