Balita

Miguel at Kyline teamup, inaabangan na

- Ni NORA V CALDERON

NGAYON pa lamang ay inaabangan na ang bagong tambalan nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, ang second episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You, #Future, kahit ang papalitan nitong first episode na ICSY: On My

Way To You, nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, ay magtatapos pa lamang sa Holy Wednesday, March 31.

Nang mapabalita pa lamang na magtatamba­l na sina Miguel at Kyline, bumuhos na agad ang suporta at excitement mula sa kanilang mga fans, matapos umabot ng 770k likes at 4.5k comments ang kanilang behind the scene photo sa GMA Drama Facebook page.

Unang napansin ng mga fans ang facial similariti­es nina Miguel at Kyline at may nagsabi agad na, “kapag magkahawig o magkamukha daw ang dalawang tao, siya na raw magiging destiny nito. Baka sila nang dalawa in the future.”

Isa pang komento, “Wow, ngayon ko lang napansin magkamukha at bagay pala sina Miguel at Kyline, baka sila ang magkatuluy­ang dalawa.”

Unang nagkasama sina Kyline at Miguel sa Kambal Karibal pero si Bianca Umali ang katambal ni Miguel sa serye.

Ano kaya ang story ng #Future ng “I Can See You?” Magsisimul­a na silang mapanood sa Monday, April 5 hanggang April 9, pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7.

 ??  ?? Miguel
Miguel
 ??  ?? Kyline
Kyline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines