Balita

‘ICSY: Love On The Balcony’ may marathon airing

- Nora V. Calderon

NAPAPANAHO­N ang tema at story ng drama anthology na I Can See You: Love on the Balcony, na tungkol sa isang frontliner nurse at wedding photograph­er, kaya ito ang napili ng GMA Network na ipalabas sa Maundy Thursday, April 1, at marathon ang airing nito, meaning mapapanood ang limang episodes nito nang tuluy-tuloy.

Tampok sa mini-series si Asia’s Multimedia Star Alden Richards bilang si Inigo Mapa, isang wedding photograph­er na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at ang kapitbahay niyang frontliner nurse na si Lea Carbonel, played by Jasmine Curtis-Smith.

Balikan ang kuwento nina Inigo at Lea ngayong Holy Week dahil hindi lamang ito kuwento ng pag-ibig na nabuo sa pagitan nila, kundi kuwento rin ng pagasa, pagpapa-tawad, at pagtuklas sa sarili.

Ayon kay Alden, hindi lamang daw ito tungkol sa pandemic, “it’s really a story about hope, forgivenes­s, selfdiscov­ery, love, nandiyan lahat dito, ganoon din ang paglaban natin arawaraw sa buhay.”

Kasama rin sa episode sina Pancho Magno, Shyr Valdez, at Denise Barbacena. Alamin sa story kung naging matagumpay ang pagmamahal­an nina Inigo at Lea sa isa’t isa.

Mapapanood ang “I Can See You: Love on the Balcony,” sa Huwebes Santo, April 1, mula 7:15 PM, pagkatapos ng Ten Commandmen­ts sa GMA-7.

 ??  ?? Alden at Jasmine
Alden at Jasmine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines