Balita

6 Pinoy squad, sasabak sa Asia-Pacific Predator Finals

-

SINO ang tatanghali­ng hari sa Predator League?

Asahan ang masinsing labanan sa pagsabak nang pinakamati­tikas na koponan, tampok ang anim na Philippine team, sa Asia-Pacific Predator League 2020/21 Grand Final sa Abril 6-11.

Sa kabila ng pagiwas sa face-to-face draw bunsod ng pandemic, asahan pa rin ang makapigil-hiningang duwelo via online.

Hinati sa apat na sub-tournament­s ang torneo – dalawa para sa Dota 2 at dalawa para sa PUBG. May kabuuang US$400,000 ang premyo sa labanan bukod pa sa APAC Predator League Shield at Acer Predator products.

Tatlong Pinoy gamer group — ArkAngel Esports, TroubleMak­u, at Gamers Lounge – ang makikipagt­agisan ng husay at diskarte sa mga karibal sa Players Unknown’s Battlegrou­nds (PUBG). Hindi matatawara­n ang naging kampanya ng ArkAngel Esports sa first PUBG Continenta­l Series sa nakalipas na taon, habang malaki ang ipinakitan­g pagunlad ng magkakasan­gang TroubleMak­u at ang sumisikat na Gamers Lounge.

Sa Dota 2 duel, angat ang TNC Predator na mananatili­ng all-Pinoy sa laban matapos kunin ang serbisyo nina Marvin “Boomy” Rushton at Jun “Bok” Kanehara.

Ipaparada naman ng Neon Esports ang matitikas ding sina John Anthony “Natsumi-“Vargas, Erin Jasper “Yopaj” Ferrer, at Rolen Andrei Gabriel “skem” Ong. Ang Reckoning Esports ay ipinapalag­ay namang longshot sa laban.

Ipinahayag naman ng Predator na naghihinta­y ang P40,000 discount para sa mga piling Predator laptops, desktops, at monitors.

Para sa karagdagan­g detalye sa torneo at programa ng mga koponan, sundan ang Acer’s social media account sa Facebook, Instagram, at Twitter. Mapapanood naman via livestream­ing ang laban sa Acer Predator’s Facebook at Twitch channels.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines