Balita

JAZZ LIKE THAT!

19-home winning streak, nailista ng Utah

-

SALT LAKE CITY (AFP) — Dinugtunga­n ng Utah Jazz ang home winning streak sa 19 nang pabagsakin ng Jazz, sa pangunguna ni Donovan Mitchell na kumana ng 35 puntos at pitong assists, ang Memphis Grizzlies, 126-110, nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si Jordan Clarkson ng 28 puntos at tumipa si Rudy Gobert ng 16 puntos at 14 rebounds para mahila ng NBA leader ang marka sa 34-11.

Nanguna si Jonas Valanciuna­s sa Memphis na may 13 puntos at 11 rebounds, habang tumipa si Kyle Anderson ng 16 puntos.

KNICKS 102, BUCKS 96

Sa Milwaukee, ramdam ng Eastern Conference leader Milwaukee Bucks ang pagkawala ng injured na si Giannis Antetokoun­mpo, matapos mabigo sa bisitang New York Knicks.

Nagtamo ng sprained sa kaliwang paa si Antetokoun­mpo sa nakalipas na laro. Hataw ang nakababata niyang kapatid na si Thanasis Antetokoun­mpo na may 23 puntos habang tumipa si Jordan Nwora ng 21 sa Bucks. Natamo ng Bucks ang ikalawang sunod na kabiguan matapos ang eight-game winning streak.

WIZARDS 106, PISTONS 92

Sa Washington, naisalba ng Wizards ang pagkawala ni star player Bradley Beal sa injury nang gapiin ang Detroit Pistons.

Ratsada si Russell Westbrook na may 19 puntos, 19 rebounds at 10 assists para sa Washington. Umiskor si Beal ng 17 puntos bago nagbalik sa dugout sa third period bunsod nang pamamaga ng kanang paa.

CELTICS 111, THUNDER 98

Sa Oklahoma, giniba ng Boston Celtics, sa pangunguna ni Jayson Tatum na may 27 puntos, ang Oklahoma City. Nag-ambag si Jaylen Brown ng 25 puntos.

Nanguna si Moses Brown sa Thunder na may career-high 21 puntos.

Sa iba pang laro, pinasabog ng Houston Rockets ang Minnesota Timberwolv­es, 129-107; pinataob ng San Antonio Spurs ang Chicago Bulls, 120-104.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines