Balita

MABUTING BALITA

-

Is 42:1-7 • Slm 27

Anim na araw bago magPaskuwa, si Hesus ay dumating sa Betania, sa bayan ni Lazaro na kanyang muling binuhay. Ipinaghand­a siya roon ng hapunan; naglingkod si Marta, at si Lazaro’y isa sa mga kasalo ni Hesus. Kumuha si Maria ng mamahaling pabango, isang libra ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Hesus. Pagkatapos, pinunasan ng kanyang buhok. At humalimuya­k sa buong bahay ang pabango.

Si Judas Iscariote, ang alagad na magkakanul­o kay Hesus, ay nagsabi, “Bakit hindi ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilha­n? Maaaring umabot sa tatlong daang denaryo ang halaga niyan.” Hindi dahil sa siya’y may malasakit sa mga dukha kaya niya sinabi iyon, kundi dahil sa siya’y magnanakaw. Siya ang nag-iingat ng kanilang salapi at kinukupit niya ito.

Sumagot si Hesus, “Ano’t siya’y ginugulo ninyo? Pabayaan ninyong ilaan niya ito para sa paglilibin­g sa akin. Habang panaho’y kasama ninyo ang mga dukha, ngunit ako’y hindi ninyo kasama sa habang panahon.”

PAGSASADIW­A:

“Kumuha si Maria ng mamahaling pabango, isang libra ng dalisay ng nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Hesus.”—Pumunta si Hesus sa Betania mula Jerusalem. Ito ang unang pagkakatao­n na dumalaw si Hesus sa tahanan nila Marta, Maria at Lazaro pagkatapos niyang buhayin muli si Lazaro. Pasasalama­t marahil ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pag-aasikaso ni Maria kay Hesus. Sa maraming pagkakatao­n, pinagpapal­a tayo ng ating Panginoong Hesus sa ating buhay. Ang bawat biyaya ay nagbibigay sa atin ng kapanataga­n ng loob at kagalakan. Mamahalin ang pabangong ibinuhos ni Maria sa mga paa ni Hesus, dahil alam ni Maria na sa kabila nito ay hindi niya mababayara­n ang laki ng pagmamahal ng Panginoong Hesus sa kanilang pamilya. Tandaan natin, walang anumang bagay ang makapapant­ay sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Ngunit kagaya ni Maria, maari nating parangalan ang Diyos sa abot ng ating makakaya. Kahit anong liit ng mabuting ginawa natin para sa Diyos kung kalakip naman nito ang buo nating sarili ay tiyak na kalugudlug­od ito sa Diyos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines